Emergency fund, mahalaga ba talaga?
Noong pumasok ang COVID-19 virus sa bansa, karamihan sa mga nagkasakit ay hindi ready sa malaking gastusin dahil walang emergency fund. Ano nga ba ito at bakit importanteng magkaroon ng pondo para dito? Ang emergency fund ay ang itinabing pera na maaaring gamitin anumang oras na kailanganin ito. Ito ay tinatawag din na “contingency fund” kung saan ang kabuuang halaga ay maaaring pang-tawid gastos ng tatlong buwan hanggang isang taon. Ayon sa mga financial expert, mahalaga ang may emergency fund para hindi mahirapan kung saan kukuha ng pera pag nagkaroon ng hindi inaasahang pangyayari gaya ng pandemya. Mainam na may naitabing pondo para walang pag-aalala sa gastusin kung mayroon mang magkasakit na isang miyembro ng pamilya, may nawalan ng trabaho, o masalanta ang bahay o tanim dahil sa mga natural disaster tulad ng bagyo, lindol, tagtuyot o pagbaha. Guide sa pagbuo ng emergency fund Payo ni Albert O. Quiogue, first vice president ng BDO Network Bank (BDONB)...