Dalawang Taon na ang nakakalipas...Samahan Ninyo akong balikan
Ito ang unang pagkakataon na magsusulat ako ng Tagalog sa blog ko. Bakit? Kase alam ko na marami ang tinatamad magbasa kapag Ingles ang babasahin nila. At itong isusulat ko ay tungkol naman sa akin at kung ano ba talaga ang nangyari sa akin, dalawang taon na ang nakalilipas. November 23, 2013 - sumakit ng matindi ang ulo ko. Dinala ako ng mommy ko sa Quirino Memorial Medical Center sa ER, chineck ako ng mga doctor, pinauwe kase migraine lang daw. Niresetahan ako ng Paracetamol. November 26-27 - hindi pa rin tumitigil ang sakit ng ulo ko at nagsusuka na ako sa sobrang sakit. Binalik ako ng mommy ko ulit sa QMMC. Wala na kase akong trabaho kaya wala na akong health card kaya sa public hospital ako dinala ng mommy ko. Lahat ng lab tests ginawa na - normal. Inobserbahan ulit ako. At sa pangalawang pagkakataon, MIGRAINE na naman. Nagsabi na ang mommy ko sa Dr-in- charge na hihingi kami ng referral slip para ipa CTScan ako, ang sagot ng doctor "Bakit po?". Ang nanay tala...