Kabayan Tuesday ng BDO nagpasaya ng Anak ng Overseas Filipino
Shopping spree with Piolo . Masayang sinamahan ni BDO Remit brand ambassador Piolo Pascual si Dolores Castaneda at pamangkin nyang si Jhared Magtabog sa surprise free shopping spree sa SM City Caloocan sa ilalim ng programang Kabayan Tuesday. GAANO ba kahirap ang maging anak ng isang overseas Filipino? Para kay Jhared Magtabog—anak ng isang domestic worker sa Japan—puno ito ng lungkot at pangungulila, lalo na dahil minsan lang sa isang taon nakakauwi sa Pilipinas ang kanyang ina. Pero sa tulong ng kanyang matatag na pananaw at ng BDO Unibank, nabawasan ang kanyang lungkot at napalitan ng saya at pagpapahalaga. Kamakailan ay napili ng BDO at SM ang pamilya Magtabog sa pangunguna nina Jhared at kanyang tiyahin na si Dolores Castaned bilang recipient ng surprise free shopping spree sa formal launch ng Kabayan Tuesday sa SM City Caloocan. "Napakabait po at napaka-generous. Grabe po dahil pina-experience nila ang ganito sa amin. Napakalaking tulong din po kasi talagang malungkot kam...