Posts

Showing posts with the label Pio Conti

Olympic gold medalist Hidilyn Diaz, may payo sa Overseas Filipinos na nais magnegosyo

Image
Bilang isang first-time small business owner, at ngayon ay business management scholar, may ilang tips si Olympic gold medalist Hidilyn Diaz para sa gustong negosyo. Una, araling mabuti ang negosyong papasukin . Mag research muna tungkol sa pagnenegosyo.  “ Mas okay na alam natin ‘yong pinapasok nating business. Dapat pinag-aaralan muna .” kwento ni Hidilyn. Pangalawa, humanap ng mentor sa pagnenegosyo. Sa propesyon ni Hidilyn na weightlifting, mayroon siyang coach na gumagabay. Ganon din sa pagnenegosyo.  Pangatlo, alamin ang mga oportunidad para sa negosyo.   Ang additional capital ay hindi kailangan manggaling lamang sa savings o sa kamag-anak at kaibigan. Maaari ring kumuha ng pondo mula sa bangko.  Ayon kay BDO Network Bank (BDONB)  senior vice president at MSME group head Karen Cua, "Ang BDONB ay bangko para sa micro-entrepreneurs. Sa tulong ng aming Kabuhayan Loan, napopondohan namin ang pangangailan ng negosyante sa kanilang business operation at expans...