Posts

Showing posts with the label PhiLife

Nag-aalala ka ba sa kinabukasan ng pamilya mo?

Image
Narito ang 4 tips para matulungan kang maghanda. Marami tayong pagsubok na hinarap nung nagsimula ang COVID-19 pandemic. Aminin nating napangunahan tayo ng takot dahil sa bagong virus at kung paano natin mapoprotektahan ang ating pamilya. Ganun kahalaga ang pamilya para sa ating mga Pinoy. Araw-araw pumapasok na sa isip natin: “Paano kung magkasakit ang anak ko o ang mga mahal ko sa buhay?” Sa sobrang pag-aalala natin sa kanila, minsan napapabayaan na rin natin ang sarili natin. Kaya naman araw-araw nating pinagdarasal na sana’y walang magkasakit sa ating pamilya dahil mas mahal ang magkasakit ngayon, lalo na kung wala tayong naitatagong pera para dito.  Nung nagkaroon naman ng surge o pagsipa muli ang mga COVID-19 cases at bumalik ang mahigpit na lockdown sa Metro Manila, bumalik nanaman ang takot. At dahil sa sunod-sunod na krisis, minsan ‘di na natin malaman kung paano tayo makakaahon mula dito.  Pero hindi ‘to dahilan para mawalan tayo ng pag-asa. Bilang isang magulang...