Fast at secure remittance, handog ng BDO-Seven Bank partnership
No worries. Hanga si Arianne Matucading sa partnership ng BDO at Seven Bank dahil pinadali nila ang money transfer mula Japan hanggang Pilipinas. Bilib ang mga Overseas Filipinos sa malakas na partnership ng BDO Unibank, Inc. at Seven Bank ng Japan, dahil mas pinabilis nito ang pag-remit ng pera sa Pilipinas. Kasama na dito sina Arianne Matucading at Den Mojica, na naka-experience ng magandang service ng dalawang bangko. "Simple at stress-free na ang pag-send sa family ng kinita ko," ani Matucading, sales executive sa Japan ng 11 taon na. "Kailangan kong magpadala dati ng pangbayad ng hospital bills sa Pilipinas. Nakapag-transfer naman ako agad dahil sa ayos ng service ng Seven Bank. Madali ring nakapag-withdraw ang family ko dahil sa BDO. Napaka-dependable nila, pang emergency man o pang-regular na gastusin." Effortless . Dahil sa mobile app ng Seven Bank at Kabayan Savings account ng BDO, natanggap agad ng family ni Den Mojica ang padala nyang pera. Saludo din si ...