Do not be afraid, just have faith
“ Do not be afraid, just have faith . ” Ito ang paulit-ulit na sinasabi ni Father sa mass. Magandang reminder sa lahat lalo sa mga kaguluhan na nangyayari sa paligid. Towards the end of the mass nung nagdarasal na ako at pinagdarasal isa-isa ang pamilya, mga kaibigan, at mga kakilala na nangangailangan ng dasal bigla ko naisip ang Mommy at Daddy ko kasi kasama pa rin sila sa dasal ko. Naalala ko na wala na nga pala sila at kasama na ni Lord. Wala na nga pala akong magulang. Nakakalimutan ko kasi minsan or baka in denial pa rin ako? Masakit. Malungkot. Kasi bitin ang time ko sa kanila. Hindi pa ako nakakabawi, binawi na agad sila sa akin. Naiyak na ako lalo naiisip ko na napaka ikli lang talaga ng buhay pero sobrang thankful pa rin at sila ang mga magulang ko. Kung bibigyan ng pagkakataon na makapili ng magulang, sila pa rin ang pipiliin ko. Hindi perfect, pero para sa akin sila ang the best. Naisip ko rin na darating ang panahon na ako naman ang maiisip ng mga anak ko kapag n...