Friday, June 18, 2021

Nag-aalala ka ba sa kinabukasan ng pamilya mo?

Narito ang 4 tips para matulungan kang maghanda.

Marami tayong pagsubok na hinarap nung nagsimula ang COVID-19 pandemic. Aminin nating napangunahan tayo ng takot dahil sa bagong virus at kung paano natin mapoprotektahan ang ating pamilya. Ganun kahalaga ang pamilya para sa ating mga Pinoy.

Araw-araw pumapasok na sa isip natin: “Paano kung magkasakit ang anak ko o ang mga mahal ko sa buhay?” Sa sobrang pag-aalala natin sa kanila, minsan napapabayaan na rin natin ang sarili natin. Kaya naman araw-araw nating pinagdarasal na sana’y walang magkasakit sa ating pamilya dahil mas mahal ang magkasakit ngayon, lalo na kung wala tayong naitatagong pera para dito. 

Nung nagkaroon naman ng surge o pagsipa muli ang mga COVID-19 cases at bumalik ang mahigpit na lockdown sa Metro Manila, bumalik nanaman ang takot. At dahil sa sunod-sunod na krisis, minsan ‘di na natin malaman kung paano tayo makakaahon mula dito. 

Pero hindi ‘to dahilan para mawalan tayo ng pag-asa. Bilang isang magulang, kailangan nating magpakatatag para sa mga anak natin. Kailangan natin mas maging maingat ‘di lang sa kalusugan pero pati na rin sa paggastos o pagbubudget lalo na kung may biglang pagkakagastusan. 

Ngayong new normal, kailangan natin magkaroon ng mga panibagong priorities at maghanda sa future ng pamilya natin. Dahil kung hindi tayo handa, hindi tayo makakampante na malusog at safe sila palagi. Kaya narito ang ilan sa aking mga simpleng tips:

Bumili lang ng mga kinakailangang bagay

Isang ebidensya ng isang bagsak na ekonomiya ay kung marami ang walang trabaho, na lalong dumami dahil sa pandemya. At kung walang trabaho, walang sweldo. Bawas-trabaho, bawas-sweldo. Kaya naman maiging bawasan muna natin ang pagbili ng mga unnecessary items. Unahin muna ang mga bagay tulad ng pagkain, simpleng damit, at mga bayarin tulad ng kuryente at tubig.

Mag-set ng financial goals 

May krisis man o wala, maiging mag-set tayo ng ating financial goals. Ano ba ang kailangan mong pag-ipunan? Anu-ano ang mga gusto mong bilhin o magkaroon, lalo na pagkatapos ng pandemya?

Mabuti na ring alam natin ang ating financial priorities dahil ito ang gagabay sa atin sa kung anong klaseng lifestyle ang meron tayo ngayon at sa hinaharap.

Libre ang mangarap. Pero kailangan din nating matututong magtipid at gumastos nang tama kung gusto nating marating ang mga ito.

Mag-ipon para sa emergency fund

Hindi natin alam kung kailan mangyayari ang mga emergency tulad ng matinding aksidente o malalang sakit. Malaking gastusan ang pinag-uusapan natin dito. Kaya naman mabuting maglaan ng pera para sa mga ito.

Halimbawa, sa sahod mo sa isang buwan, magtago ng 10-20% para sa emergency fund at ‘wag itong galawin kung ‘di naman kailangan. Pwede ka ring mag-set isa pang account para sa emergency fund para maayos itong nakahiwalay sa every budget mo.

Kumuha ng insurance para sa future ng pamilya mo

Kung hirap naman kayo sa pag-ipon para sa mga emergency, dito pumapasok ang halaga ng insurance. At hindi kailangan nitong maging mahal.

Halimbawa, may insurance ang PhilLife na pwede mong gamitin kung maaksidente ang miyembro ng iyong pamilya. Malaki nga ang gastos sa pagpapagamot at pagpapalibing (kung saka-sakali), na maaaring umabot ng libu-libo. Pero kung nakabili ka ng Family Accident Secure ng PhilLife na Php400 ang pinakamura, baka ‘di mo na kailangang galawin ang savings mo.

Isa pa, Hunyo na ngayon. Umpisa na ng dengue season. Madalas nagsisimula nang dumami ang mga kaso ng sakit sa panahong ito. At kailangan pa rin itong bantayan sa gitna ng pandemya. Kaya naman mabuti nang meron din kayong insurance para sa dengue.

Karaniwang mahal ang pagpapagamot para sa dengue, na gaya ng sa aksidente ay aabot din ng libo. Pero kung meron kang insurance gaya ng sa PhilLife na P1,200 na covered na ang apat na miyembro ng pamilya, sagot na nito ang hanggang Php30,000 na gamutan sa bawat tao. Sulit din, diba?

Ang maganda pa sa PhilLife, meron itong online shop na pwedeng ma-access via mobile phones or laptop. Importante din ito ngayon dahil ‘di mo na kailangan lumabas ng bahay at magbuwis-buhay para lang makakuha ng insurance plan para sa pamilya. Kung may gusto pa kayong ibang malaman tungkol sa mga insurance products ng PhilLife, bisitahin lang ang https://phillife.com.ph

Simple lang naman ang hiling natin sa buhay. Gusto lang natin mapanatag ang loob natin na ma-ensure at protektado ang future ng ating pamilya. Kaya isang malaking realization ang pagkakaroon ng pandemic. Isa ‘tong senyales para sa ating lahat na mas maging matatag at handa para maiwasan ang higit na pag-aalala para sa ating mga mahal sa buhay.



SOURCES:

https://www.bt.com.au/personal/insurance/learn/understanding-insurance/why-insurance-is-important.html

https://www.nap.edu/read/10503/chapter/3

https://www.etmoney.com/blog/know-everything-about-insurance-and-why-you-should-have-insurance/

https://www.mymoneycoach.ca/blog/saving-emergency-fund.html

Featured Post

Sunrise Trail Hike at Masungi Georeserve: An Empowering and Meaningful Birthday Celebration

Since I was a child, as soon as June approaches, I feel thrilled because it's my birth month. I don't eagerly anticipate gifts, but ...