Friday, June 18, 2021

Nag-aalala ka ba sa kinabukasan ng pamilya mo?

Narito ang 4 tips para matulungan kang maghanda.

Marami tayong pagsubok na hinarap nung nagsimula ang COVID-19 pandemic. Aminin nating napangunahan tayo ng takot dahil sa bagong virus at kung paano natin mapoprotektahan ang ating pamilya. Ganun kahalaga ang pamilya para sa ating mga Pinoy.

Araw-araw pumapasok na sa isip natin: “Paano kung magkasakit ang anak ko o ang mga mahal ko sa buhay?” Sa sobrang pag-aalala natin sa kanila, minsan napapabayaan na rin natin ang sarili natin. Kaya naman araw-araw nating pinagdarasal na sana’y walang magkasakit sa ating pamilya dahil mas mahal ang magkasakit ngayon, lalo na kung wala tayong naitatagong pera para dito. 

Nung nagkaroon naman ng surge o pagsipa muli ang mga COVID-19 cases at bumalik ang mahigpit na lockdown sa Metro Manila, bumalik nanaman ang takot. At dahil sa sunod-sunod na krisis, minsan ‘di na natin malaman kung paano tayo makakaahon mula dito. 

Pero hindi ‘to dahilan para mawalan tayo ng pag-asa. Bilang isang magulang, kailangan nating magpakatatag para sa mga anak natin. Kailangan natin mas maging maingat ‘di lang sa kalusugan pero pati na rin sa paggastos o pagbubudget lalo na kung may biglang pagkakagastusan. 

Ngayong new normal, kailangan natin magkaroon ng mga panibagong priorities at maghanda sa future ng pamilya natin. Dahil kung hindi tayo handa, hindi tayo makakampante na malusog at safe sila palagi. Kaya narito ang ilan sa aking mga simpleng tips:

Bumili lang ng mga kinakailangang bagay

Isang ebidensya ng isang bagsak na ekonomiya ay kung marami ang walang trabaho, na lalong dumami dahil sa pandemya. At kung walang trabaho, walang sweldo. Bawas-trabaho, bawas-sweldo. Kaya naman maiging bawasan muna natin ang pagbili ng mga unnecessary items. Unahin muna ang mga bagay tulad ng pagkain, simpleng damit, at mga bayarin tulad ng kuryente at tubig.

Mag-set ng financial goals 

May krisis man o wala, maiging mag-set tayo ng ating financial goals. Ano ba ang kailangan mong pag-ipunan? Anu-ano ang mga gusto mong bilhin o magkaroon, lalo na pagkatapos ng pandemya?

Mabuti na ring alam natin ang ating financial priorities dahil ito ang gagabay sa atin sa kung anong klaseng lifestyle ang meron tayo ngayon at sa hinaharap.

Libre ang mangarap. Pero kailangan din nating matututong magtipid at gumastos nang tama kung gusto nating marating ang mga ito.

Mag-ipon para sa emergency fund

Hindi natin alam kung kailan mangyayari ang mga emergency tulad ng matinding aksidente o malalang sakit. Malaking gastusan ang pinag-uusapan natin dito. Kaya naman mabuting maglaan ng pera para sa mga ito.

Halimbawa, sa sahod mo sa isang buwan, magtago ng 10-20% para sa emergency fund at ‘wag itong galawin kung ‘di naman kailangan. Pwede ka ring mag-set isa pang account para sa emergency fund para maayos itong nakahiwalay sa every budget mo.

Kumuha ng insurance para sa future ng pamilya mo

Kung hirap naman kayo sa pag-ipon para sa mga emergency, dito pumapasok ang halaga ng insurance. At hindi kailangan nitong maging mahal.

Halimbawa, may insurance ang PhilLife na pwede mong gamitin kung maaksidente ang miyembro ng iyong pamilya. Malaki nga ang gastos sa pagpapagamot at pagpapalibing (kung saka-sakali), na maaaring umabot ng libu-libo. Pero kung nakabili ka ng Family Accident Secure ng PhilLife na Php400 ang pinakamura, baka ‘di mo na kailangang galawin ang savings mo.

Isa pa, Hunyo na ngayon. Umpisa na ng dengue season. Madalas nagsisimula nang dumami ang mga kaso ng sakit sa panahong ito. At kailangan pa rin itong bantayan sa gitna ng pandemya. Kaya naman mabuti nang meron din kayong insurance para sa dengue.

Karaniwang mahal ang pagpapagamot para sa dengue, na gaya ng sa aksidente ay aabot din ng libo. Pero kung meron kang insurance gaya ng sa PhilLife na P1,200 na covered na ang apat na miyembro ng pamilya, sagot na nito ang hanggang Php30,000 na gamutan sa bawat tao. Sulit din, diba?

Ang maganda pa sa PhilLife, meron itong online shop na pwedeng ma-access via mobile phones or laptop. Importante din ito ngayon dahil ‘di mo na kailangan lumabas ng bahay at magbuwis-buhay para lang makakuha ng insurance plan para sa pamilya. Kung may gusto pa kayong ibang malaman tungkol sa mga insurance products ng PhilLife, bisitahin lang ang https://phillife.com.ph

Simple lang naman ang hiling natin sa buhay. Gusto lang natin mapanatag ang loob natin na ma-ensure at protektado ang future ng ating pamilya. Kaya isang malaking realization ang pagkakaroon ng pandemic. Isa ‘tong senyales para sa ating lahat na mas maging matatag at handa para maiwasan ang higit na pag-aalala para sa ating mga mahal sa buhay.



SOURCES:

https://www.bt.com.au/personal/insurance/learn/understanding-insurance/why-insurance-is-important.html

https://www.nap.edu/read/10503/chapter/3

https://www.etmoney.com/blog/know-everything-about-insurance-and-why-you-should-have-insurance/

https://www.mymoneycoach.ca/blog/saving-emergency-fund.html

8 comments:

  1. Thanks po mommy for sharing the tips Kung Pano paghandaan ang kinabukasan ng pamilya.Super nag aalala po ako SA kinabukasan ng aking mga anak lalo na at Hindi natin alam ang buhay.Maganda secured ang kinabukasan ng mga bata.This blog help a lot.Thank you for the helpful tips mommy Reylen

    ReplyDelete
  2. YES MOMMY SUPER NAG AALALA PO AKO PARA SA KINABUKASAN NG MGA ANAK KO LALO AKO AY ISANG SINGLEMOM LANG PO. KAYA NGA LAKING TULONG PO NITONG PAG SHARE NYO SAMIN NG TIPS AT ADVICE LALO SA PANAHON NATIN NGAYON MADAMI ANG NAG SULPUTANG MGA SAKIT NA DINATIN ALAM NA PWEDENG MANGYARE DIN SAATIN. KAYA MAGANDA PO TLGA ITONG PHILLIFE MOMMY THANK YOU FOR SHARING THIS TO US PO

    ReplyDelete
  3. Salamat po mommy Reylen at tagalog itong blog mo mas naunawaan at maintindihan po talaga.Salamat din po sa mga binigay mong tips malaking tulong po ito para mapaghandaan talaga ang kinabukasan ng pamilya.Ako po talaga takot ako lalo na ngayon po at may covid pa po tapos po hindi na ganon ka stable yong trabaho ni mister ko,minsan wala minsan meron po.Kaya ang gawa po namin talaga ngayong sobrang pagtitipid kung hindi naman kailangan wag ng bilhin,mas unahing bilhin yong mga pangangailangan talaga,Sa ngayon po talaga hirap pa akong makaipon pero kung makaluwag luwag na talaga isa talaga sa gusto kung matupad e yong makaipon.Syempre mas okay talaga kung may insurance dahil panatag tayong ensure at protektado ang kinabukasan ng pamilya natin.Maganda pala itong PhilLife dahil sa halagang 1200 pesos lang covered na ang apat na miyembro ng pamilya mo tapos 30.000 ang sagot na gamutan ng bawat isa..Sobrang sulit talaga lalo na at sobrang mahal magpagamot ngayon.

    ReplyDelete
  4. #1 tip will really hit most people. We're still under pandemic and yet mabentang mabenta po sa atin ang online shopping. Not knowing na nakakalimutan na natin ang difference ng wants sa needs. Thank you for the tips mommy. I/we should really apply this to ourselves.

    ReplyDelete
  5. Such a great start to invest ,such a nice idea for our future, setting goals are very important

    ReplyDelete
  6. tnx for sharing mommy malaking tulong po ito para sa aming lahat . very informative ❤

    ReplyDelete
  7. Isa sa mga napakagandang investment po natin ito para sa akin. Kase napakalaking tulong po nito sa ating pamilya lalo na po in case of energency.

    ReplyDelete
  8. thanks sa tips po. talagang nag aalala ako sa kinabukasan ng aking pamilya. lalo na kung ako ay mawala kahit dapat lagi akong handa. kumuha ako ng insurance at nag iipon din ako.

    ReplyDelete