“Do not be afraid, just have faith. ”
Ito ang paulit-ulit na sinasabi ni Father sa mass. Magandang reminder sa lahat lalo sa mga kaguluhan na nangyayari sa paligid.
Towards the end of the mass nung nagdarasal na ako at pinagdarasal isa-isa ang pamilya, mga kaibigan, at mga kakilala na nangangailangan ng dasal bigla ko naisip ang Mommy at Daddy ko kasi kasama pa rin sila sa dasal ko. Naalala ko na wala na nga pala sila at kasama na ni Lord. Wala na nga pala akong magulang. Nakakalimutan ko kasi minsan or baka in denial pa rin ako? Masakit. Malungkot. Kasi bitin ang time ko sa kanila. Hindi pa ako nakakabawi, binawi na agad sila sa akin. Naiyak na ako lalo naiisip ko na napaka ikli lang talaga ng buhay pero sobrang thankful pa rin at sila ang mga magulang ko. Kung bibigyan ng pagkakataon na makapili ng magulang, sila pa rin ang pipiliin ko. Hindi perfect, pero para sa akin sila ang the best.
Naisip ko rin na darating ang panahon na ako naman ang maiisip ng mga anak ko kapag nagsisimba sila. Sana thankful din sila na ako ang naging Mama nila at sana palagi rin nila ako ipagdarasal...
Kaya sinabihan ko ang Dada na yayain ang parents n'ya na mag dinner (biglaan 'to) kasi hindi natin alam ang mga susunod na mangyayari. Mabuti at umayon ang mga pangyayari. Masaya ako na sa kanila ibuhos ang time, effort, money na dapat sana sa mga magulang ko dahil hindi naman nila ako tinrato na iba.
"Be sure to spend more time with your parents while you can, because one day when you look up from your busy life, they won't be there anymore "
Love your parents while they are still alive, you will realize after they are gone how much they did and sacrificed for you. Make time for them while you still can.
* 12 AM eme. Kailangan ko ilabas kasi hindi ako makakatulog kaiiyak, kaya dito lang 'to. Namiss ko lang ang Mommy at Daddy.
Love your parents! Hug them palagi. Tell them how much you love them. Para sa inyo rin yan, believe me.
Gospel : Mark 5: 21-43 (walang kinalaman sa kwento ko pero sa palaging sinasabi ni Father na do not be afraid, just have faith) 🙏 Magtiwala lang. Kapit pa 🙏