JGH from Princess Y's Moving Up. As usual, this momma cried a river. Mababaw ang luha. Sa nakakakilala sa amin, alam kung bakit sobrang grateful ako na makita ang mga ganitong milestones ng mga anak ko. Walang nakakaalam ng mangyayari sa mga susunod na araw si Lord lang kaya sobrang blessed and thankful ako.
Yesterday, before their Adviser hand over the invites to us parents after their final practice, sabi ni teacher, since last year daw as per DepEd from pre-school to Grade 3, wala na daw mga Top 10 or Honor students. Performance and Character Traits Awards na lang daw. Okay.
So, natawa ako sa mga parents na masyadong nag expect na may honor ang anak nila. Dismayed, they left the school na hindi na nag help mag decorate ng venue. Kami, we left kasi may appointment pa ako sa Nail-a-holics hehe.
Doxology |
National Anthem |
Follow the Leader daw. Watch the video.hehe |
Actually, hindi kami nag e-expect ng kahit ano ni MITD kay Princess Y. Unang-una, hindi siya pumasok ng 1 month last year because I need to go to the province to be with my mommy kasi ooperahan siya. Nag sacrifice kami ng mga bata para sa mommy ko. Which is sobrang okay lang atleast nakaraos ng maayos. Ipinagpaalam ko naman sila sa teachers nila. Sobrang grateful ako sa mga considerate nilang teachers :-)
Mai-share ko na rin...
1. alam mo ba na nakaraos kami ng isang school year na 2 lang ang blouse at isa ang skirt ni Unica? Totoo. Meron pa nag offer dati na bibigyan nya daw ng isa pang pair ng uniform. But I said NO! Sadya namin yun kse una baka bigla umayaw sa school ang bata hindi namin masasabi alangan naman pilitin namin. (Or ako ang hindi makatagal) Ang sa amin kse ng Dada namin, kung ano ang gusto nya at saan siya masaya, doon kami. Naka suporta lang kami :-) Thankfully, lagi nya gusto pumasok even on weekends kahit may mga bullies sa room nila :( Sabi nga ng mga nanay na laging nag stay sa school, pati daw anak ko na tahimik , hindi nakaligtas sa mga batang nangaaway. :(
2. Na sa sobrang wa pakels ang anak ko at gusto lang nya pumasok, okay lang sa kanya ang bag na bigay ng local government officials. Hehe. Nakakatuwa kase wala siyang kaarte arte sa katawan kahit pa nakikita niya ang mga classmates nya na nagpapa bonggahan ng mga gamit lalo bag. Masaya na sya kung ano meron siya.
3. Since day 1, wala siyang #sepanx. Uupo lang sa upuan nya kahit ilang beses siyang nilipat dahil nga sa mga kaklase na laging nang aaway. No permanent seat sya, dun na kme nag salita ni MITD. malilito na ang bata, para siyang pingpong kung saan-saan pinapaupo para paghiwalayin mga nag aaway. Hayst! After ilang lipat, nagkaroon din sya ng permanent seat.
4. Blessing din siguro na hindi siya pumasok ng one month last year kase medyo hindi na maganda ang pakiramdam ko sa isang nanay na lagi kumakausap sa anak ko. Ang daming tinatanong na informations namin. Tapos sasabihan pa ang anak ko na BFFs daw sila! Ano ka hilo?! Na kidnap na ako nung elementary ako, halos mabaliw mommy ko sa takot. Hindi ko alam gagawin ko kapag ang anak ko ang makidnap. Tapos kapag ako nakikita sa school nung nanay na yun kung simangutan ako. FYI. Mukha siyang addict. Hindi ako judgmental. Meron akong photos sya kung gusto mo makita para sabihin na ganun siya.
The stage father award goes to ...OUR DADA! Hon,bawal ang parent sabi dyan may program pa. Lol. I love taking their photos lalo hindi nila alam. SWEETNESS OVERLOAD! |
5. Simula Day 1 ako ang nagaasikaso sa Unica, pagpapaligo, pakain, hatid at sundo sa school kase pagod na ang Dada sa work lalo minsan gabi na ang uwi nya. Pero nung latter part, ako na lang taga ligo at pakain ang Dada na ang taga hatid at sundo kse medyo hindi ko na kinakaya. Feelingera kase ako na malakas na malakas na ako :p Kaya, salamat Dada. Congrats din syo! Yo da best stage father.lol
Nakakatuwa na nairaos na ang "Unang Hakbang" nya sa pag-aaral. Ang lagi ko lang naman dasal na sana hanggang sa College makita ko pa. God willing :-) Kinder pa lang, umiyak na ako. Paano pa kapag College? :-)
Bakit ka umiiyak,anak? Nahawa tuloy si Mama. Weh?! Iyakin talaga ang Mama :-) |
Ayoko nga sana umiyak kaya lang nauna pa umiyak ang Unica pag abot nya sa akin ng rose. Pag sabi nya ng Thank you...Kung bakit siya umiyak...nai -video ng Dada kse dumaan kami sa 7-11 para mag slurpee. Hihi. (Will update this kapag nakuha ko na video)
Thank you, baby! Huwag na tayo umiyak. Ipapatahi na lang natin damit ni Mama. IYAKIN AWARD Goes to Queen R and Princess Y. lol |
Imma proud mum! |
Dear Baby doll, (tawag ko sa kanya kasi sabi ko pinag pray ko nun kay Jesus baby girl para may doll ako)
Congratulations, Anak. Happy si Mama at Dada kasi nakita namin gaano ka ka- independent , friendly at mabait. Thank you kasi araw -araw mo pinapatawa si mama sa mga kwento mo sa nangyari at ginawa nyo sa school. Napaka inosente mo sa mga kwento mo kaya nakakaaliw. Sana huwag ka magbago at lumaki ka na maayos na tao. Lagi mo tatandaan, hindi nasusukat ang pagkatao ng isang tao sa dami ng medals at awards nya. Kung paano ka makipag kapwa tao, maging magalang , mapagpakumbaba, makisama sa iba na walang kang tinatapakan at inaagrabyado at may takot sa Diyos ang importante sa amin ni Dada. Mahal na mahal ka namin Ysa aka Yesha! Haha.
Awards :
* Determined Kid Award
* Great Giver Award
Ehem... alam na kanino nagmana... way to go baby! :-)
With Teacher Janice |
*** Yesha kse basa ng teacher nya sa name nya kaya yan na din tawag namin. Napipikon sya minsan, hindi daw sya si Yesha! :-)
Criytel Khylle and Yesha |
Rhowen Shen and Yesha |
Yesha, Justine,Elizah, Rhowen having Gardenia Pocket Sandwich before the program starts. Mahirap na magutom sa kalagitnaan ng program. :-) |
*** This post is for my Unica Y, para kapag malaki na sya may makikita pa rin sya. Mawala man ang FB at IG. Ako kse wala na photos nung Pre-school Grad ko. Ang natatandaan ko na lang Gold Medalist ako kse Outstanding Pupil daw ako. Hihi.