Showing posts with label Made It Through Mum. Show all posts
Showing posts with label Made It Through Mum. Show all posts

Monday, July 15, 2019

23rd Philippine Academic Book Fair




The only book fair in the country that gives sole focus to the education market, the Philippine Academic Book Fair – organized by the Academic Booksellers Association of the Philippines (ABAP) and co-organized by Primetrade Asia Inc.– will gather school officials, librarians, teachers, professionals, reviewers, tutors, and book enthusiasts on July 24 to 26 at the Megatrade Hall 1 of SM Megamall in Mandaluyong City

Exhibitors include Academic Book Sales, Inc.; Alexan Commercial; Aquarian Books and Novelties; Ateneo de Manila University Press; Book Trends Enterprises; C & E Publishing, Inc.; Catholic Book Center; CD Books International, Inc.; Cengage Learning; Creative Mind Books Center; CRW Marketing Services for Publishers, Inc.; Curriculum Planning and Development; F & J de Jesus, Inc.; Fastbooks Educational Supply, Inc.; Felnor Citibank; Metrobank & Union Bank; and Forefront Book Co., Inc.

Tons of items are up for sale from this year’s exhibitors, including a mix of books, magazines, journals, and other learning materials. The fair will also feature other forms of media such as e-books and audiobooks .

Also joining the book fair are Golden Books Services, Inc.; IBC Book Consolidators, Inc.; Linar Educational Materials, Inc.; Manila Bulletin Publishing Corporation; Megatexts Phil., Inc.; Mind Mover Publishing House, Inc.; Paulines; Phoenix Educational Systems, Inc.; Reader's Knowledge Bookstore; Rex Book Store, Inc.; University of the Philippines Press; and YFE Worldwide Logistics, Inc.


The 23rd Philippine Academic Book Fair will also host two seminars by the Philippine Association of Academic and Research Librarians.

On July 24, Janice PeƱaflor and Juan Martin Guasch will discuss “Building 21st Century Collections: Approaches and Practices” while “Financial Literacy for Librarians” will be the highlight on July 25.

Saturday, September 15, 2018

September : Gratitude post


Today, I’m aware of the fact that life is better than I deserve. The world is full of pain and suffering, hardship and turmoil, disappointment and regret . So the fact that I can be thankful and mean it is, in its own way, a small miracle.

I am learning there is a responsibility that comes with privilege. That I am blessed to bless. Gifted to give. I am not lucky, fortunate, or merely disciplined; I am expected to do something with the grace I’ve been given.


I've been following and reading blogs of bloggers since 2016 ang been seeing on their posts : commenter/ follower of the month on their blogs. And my BKS Moms family are also doing it pala. So, I thought of making gaya 'coz why not? Para ma-acknowledge naman ang love na pinapakita sa akin at hindi naman masayang ang effort ng lagi nag like, comment sa lahat ng social media posts ko at sa blog and YT.



May mga followers/readers naman na mababait na hindi madamot sa comment at talagang nagc comment sa blog posts at active sa lahat ng social media accounts ko (FB, IG, Twitter, YT at ina-add ako sa Google +... thank you so much! Nakakatuwa kayo) kahit walang pa-giveaway. Sobrang grateful ako sa inyo. Kaya bakit hindi bigyan ng jacket ang mga ito! Haha. Bigyan ng cd!!!! At bigyan ng 5K hahaha. Kuya Willie Revillame lang ang peg?! So, umpisahan natin this month ang Follower of the Month. Be as active and engaging sa BLOG (please kapag Anonymous at hindi alam paano papalitan ang name, after ng comment, lagay ang name sa huli) and across my SNS and get these babies šŸ˜‰ 

For September Follower ❤

ganun lang ka simple. Back to zero lahat. Kahit nanalo ka na dati sa pa giveaway ni Made It Through Mum pwede sumali. 





Twitter: @CastroReylen
Google +: Made It Through Mum 





Bonus: 

Like and Follow :


* Teknoneng (IG) TeknoNeng (FB)

Sunday, June 12, 2016

#MITMBirthdayGiveaway




In a few days I'll be celebrating my 37th birthday! Yay! So blessed and grateful for another year God has given me. That's why I'm throwing this #MITMBirthdayGiveaway

I want to share some of the tokens and prizes I got from the events I have attended and contests I've joined. I won't be able to use them all, might as well share them to you.

Prizes are :

* Pond's Acne clear White
* Porcelana products
* Finesse products
* Belo Essentials Whitening Anti-Perspirant Deodorant
* Instantly Ageless
* Bioderma samples
* The Body Shop samples
* Tony Moly samples
* Novuhair Topical Scalp Solution
* Skin Rx Deo
* Nuxe samples
* Jergens Lotion
* My Amazing Blow Dry Secret
* Celeteque Make-Up Remover ( Cleansing Facial Wipes)
* Laneige Perfect Renew Essence_EX samples
* Olay Total Effects
* Revlon Colorburst Lacquer Balm
* Max Factor Whipped Creme Foundation (sample)
* Tumblers and Mugs

Good luck! :-) :-) :-)

*** unfollowers, sorry you are not allowed to join :)
a Rafflecopter giveaway

Friday, December 11, 2015

Dalawang Taon na ang nakakalipas...Samahan Ninyo akong balikan

Ito ang unang pagkakataon na magsusulat ako ng Tagalog sa blog ko. Bakit? Kase alam ko na marami ang tinatamad magbasa kapag Ingles ang babasahin nila. At itong isusulat ko ay tungkol naman sa akin at kung ano ba talaga ang nangyari sa akin, dalawang taon na ang nakalilipas.

November 23, 2013 - sumakit ng matindi ang ulo ko. Dinala ako ng mommy ko sa Quirino Memorial Medical Center sa ER, chineck ako ng mga doctor, pinauwe kase migraine lang daw. Niresetahan ako ng Paracetamol.

November 26-27 - hindi pa rin tumitigil ang sakit ng ulo ko at nagsusuka na ako sa sobrang sakit. Binalik ako ng mommy ko ulit sa QMMC. Wala na kase akong trabaho kaya wala na akong health card kaya sa public hospital ako dinala ng mommy ko. Lahat ng lab tests ginawa na - normal. Inobserbahan ulit ako. At sa pangalawang pagkakataon, MIGRAINE na naman. Nagsabi na ang mommy ko sa Dr-in- charge na hihingi kami ng referral slip para ipa CTScan ako, ang sagot ng doctor "Bakit po?". Ang nanay talaga, iba talaga ang pakiramdam kapag sa anak na may nangyayari. Ang katwiran ng mommy ko, normal lahat ng tests, pero masakit pa rin ang ulo ko baka sa ulo na ang problema! Pinaghintay kme ng ilang oras para sa kapirasong papel na hiningi ng mommy ko. Kase nga, ayaw pa rin siya bigyan kahit ilang beses na siya nag follow-up. Sa wakas, nabigyan din kami. Umuwi muna kami para makapag pahinga ako.

November 28 - naiwan kami ng 2 maliliit na anak ko sa bahay. Kase may pinuntahan ang mommy ko, pumasok sa trabaho si Mr. MITD at ang panganay ko nasa school. Nang umuwi si Mr. MITD, nakita nya ako nakaupo sa sahig, puno ng suka ang paligid ko, basang basa ang bahay namin kasi naglaro ng tubig ang mga bata ng hindi ko namamalayan. Ginising nya ako, tinanong kung anong nangyari at kung sumuka ako, ang sagot ko Hindi. Hindi ko na alam ang nangyayari sa paligid ko. (Ang term ng mga doctor dito ay "comatose" na ako). Ang huling natatandaan ko, binuhat ako pababa ng hagdan ng Daddy ni Mr. MITD kase hindi ko na kayang tumayo. Hanggang sa dinala nila ako sa Amang Rodriguez Memorial Medical Center sa Marikina. Wala pa rin akong malay. Nagigising ako paminsan pero parang wala lang. Ang sabi may "electrolyte imbalance" ako. Sinabi na ng mommy ko may request siyang hawak para ipa-CTScan ako, nag suggest si Dr. Lovendino na ipa MRI na ako para mas makita ang kaliit-liitang parte ng ulo ko.

November 29 - nagawa na rin ang MRI, hindi ko pa rin masyado naiintindihan ang nangyayari. Isang tanong, isang sagot (Friday na ng hapon kaya wala ng mag iinterpret) 

Iyong pulang bilog ganyan kalaki ang tumor
8.0 x 7.0 x 3.0 cm


December 2, Monday - lumabas ang resulta ng MRI... nagulantang ang lahat samantalang ako kalmado lang kasi nga hindi ko na alam ang nangyayari. Haha. Sinabi naman nila agad sa akin na may brain tumor ako, tinanong ko ano ang gagawin? Ooperahan daw ako. Okay, sige. Kailan? 'Yan lang ang sinabi ko.
Sinabihan kami na kung magpapa opera huwag daw sa hospital nila, hindi ko alam kung bakit? Kaya naghanap na naman ang mga mahal ko sa buhay ng paglilipatan sa akin.

   IMPRESSION : Extraaxial mass, right frontal as described. Considered Meningioma?

*Meningioma - brain tumor

Iyong sinasabing migraine ng private at public hospital ay brain tumor na pala! At malaki na.

*** Mabalik ko lang May 19 ng parehong taon, sinugod din ako sa ER ng The Medical City sa Ortigas. 12 am. Yes, sa private hospital kase may card pa ako at employed pa ako. Puro lab tests, pinaabot lang kme ng 2 oras bago ako pinauwi. Pero nung kukuha pa lang ako ng urine sample, hindi na ako umabot sa CR, basang-basa na ang pantalon ko kase hindi na ako nakapag pigil (incontinence). Mabuti na lang may "convenience store" nakabili ng shorts at undies! :p  Pina head xray ako, hinilo lang ako kase nakatayo ako, nakahawak lang ako sa machine na pinagtayuan sa akin. MIGRAINE. Paracetamol at vitamins ulit reseta!



*** Meron pa ulit parehong hospital, inadvise pa ako na magpa check ng mata (Glaucoma package) kase baka sa mata naman daw ang problema kaya sumasakit ang ulo ko. Normal ang result...



*** Naka -duty ako noon sa trabaho, pumasok ako sa backroom para sumuka. Pinapunta na ako ng Manager ko sa St. Lukes, sa Neurologist. Pinukpok lang tuhod ko, pinataas ang 2 braso ko tapos tinapik-tapik... MIGRAINE na naman ulit! Tsk tsk... 

Mabalik tayo...

December 3 - Dinala na ako sa Jose Reyes Memorial Medical Center. Ang pangatlong hospital na pinagdalhan sa akin. Sinabihan na kami na kailangan ng 10 bags ng dugo para sa operasyon ko, kailangan mag rent ng "driller" na gagamitin sa pagbukas ng bungo?! Seryoso? Oo seryoso sila. Ayoko na alamin anong klaseng driller ang ginamit sa akin. Iyong mga araw na sumunod natatakot na pala silang lahat (pamilya at mga kaibigan ko) kase ang sabi 2 lang : mamamatay ako o mawawalan ng memory kase ga-platito na ang laki ng tumor. Mga 10 years na siguro sa ulo ko iyon kaya lumaki ng ganoon. STRESS, head trauma sama-sama na kaya ganun na kalaki.

December 4 -10 -wala akong ginagawa kung hindi matulog, kumain at magdasal. Hindi ko alam na nagkakalap na pala ang pamilya at mga kaibigan ko ng pinansyal na tulong sa lahat. Salamat. Ako na yata ang pasyente na magana kumain kasi naman ang mga bumibisita sa akin ang dami laging dalang pagkain. Syempre, shine-share ko naman sa mga ibang pasyente at bantay sa ward. Sayang at baka masira lang.

December 10 - gabi. Kailangan umuwi ni Mr. MITD para siya naman ang makasama ng mga bata sa bahay. Ang mommy ko ang naiwan sa akin magbantay. Kahit gabing gabi na ayaw pa niya umuwi kse ewan ko kung naiiyak ba sya, natatakot ba sya kase lagi lang sya nakayakap at nakahalik sa akin. At binigyan nya ako ng notebook nakasulat ang mga pangalan at birthdays ng tatlong anak namin. Kaya para hindi kami maiyak... nag unlimited selfie kami. Haha. Nakatulog naman ako paguwi nya kasi nagdasal ako at ipinaubaya ko na ang lahat sa Diyos.

December 11 - , alas otso ng umaga, nang kunin ako sa ward kase ang bata na dapat mauuna sa akin na ooperahan ay may sipon kaya pinagpaliban muna sya. Sa pagkakataong iyon, nung tinawag na ang pangalan ko. Natakot na ako. Ang ginawa ko na lang niyakap ko ang mommy ko ng mahigpit na mahigpit, doon na ako umiyak at ang nasabi ko lang "I love you, mommy"... kailangan ko ipakita na malakas ako kase ayoko ng nagaalala at nalulungkot ang mommy ko kaya sinabi ko na lang na kuhaan nya ako ng litrato hanggang sa dalhin ako sa operating room. Galing naman ng pagkakakuha nya... hehe...



Bago ako mawalan ng malay kinausap ko yung isa sa mga doktor sa operating room, binilin ko na ayusin ang pagkaka shave ng buhok ko at paki tago ng maayos. Wala na sa akin ang buhok na donate ko na rin sa DonateYourHair.org para sa mga pasyente na may cancer.


-- nagumpisa ang operasyon ko ng 11:00 AM natapos ng 08:10 ng gabi.Tumagal ng siyam na oras ang operasyon ko. "Half-awake" ako habang inooperahan ganun daw talaga para mamonitor ako. Nung nagkamalay ako tinanong ako ilang taon na ako. Sumagot ako. 34. Edi natuwa na sila. Gusto ko pa magpa bibo para makauwi na ako agad sa mga bata kaya sinabi ko full name ko, pangalan ng 3 anak ko pati birthdays nila, pangalan ng mga naging teachers ko simula prep hanggang High school na lang kase nung College magulo eh. Iba iba. Pati sections ko nung High School sinabi ko pa. Pero hindi pa rin ako nakauwe agad. Natakot yata sila sa akin kaya hindi ako pinauwi kaagad. Mali pa yata ginawa kong pagpapa bibo. Haha

Iiyak na naman ang mommy ko nito pag nakita nya. Siya ang nagpu-pump ng dugo na galing sa ulo ko at sinusukat nya. Kahit gaano sya kaduwag sa dugo lahat kinaya nya para sa akin. I love you so much, mommy!!! 

Nung nagising ako bandang 11 ng gabi, pinatawag na si Mr. MITD sa recovery room. Siya na ang bantay ko kase umuwi na ang mommy ko sa bahay para samahan matulog ang mga bata. Natatandaan ko pa ang sinabi ko sa kanya pagkakita ko "Dada, good girl ako. Strong ko no?!" Hehe. Monthsary din namin nun 85th!  Sa totoo lang habang sinusulat ko ito ngayon umiiyak na naman ako. Kase naalala ko pa rin kung gaano ako kabaliw pagka tapos ng operasyon ko. Ang dami ko naririnig at nakikita na hindi nila naririnig at nakikita. Takot na takot ako. Pero hanggang ngayon kaya ko ikwento at pangalanan ang mga tao sa kwento ko sa kanila noon. Tumagal pa ako ng ilang araw sa ospital kaya lalo ako hindi napakali kase gustong gusto ko na makita ang mga anak ko. Miss na miss ko na sila. Salamat sa Diyos noong December 21, nakauwe na rin kami. Ayaw ko pa maniwala na hindi pa tapos ang Pasko. Kase sabi ko hindi pa kami nakakapanood ng MMFF parade. Yearly kase namin ginagawa yun simula bata ako. hehe.

Noong nangyari sa akin ito, ang panganay na anak ko ay 12 years old lang. Siya ang nagalaga sa dalawa nyang maliliit na kapatid ng halos isang buwan. Ang isa may autism 4 yrs old ang isa 2 yrs old lang nung mga panahong iyon. Nakakatuwa na sa murang edad ay naging responsable sya at nagtiyaga sa mga kapatid nya. 

Hindi ko kinukuwento ito para kaawaan nyo ako. Parang awa nyo na.HUWAG! Sinulat ko ito para isang kwentuhan na lang na maaring balik balikan. Na hindi naman ako mapapagod magkwento ng paulit ulit. At para magsilbing inspirasyon sana sa lahat. Na kahit ano pa ang mangyari sa atin, huwag na huwag tayong susuko.Lagi natin iisipin na may reason si Lord kung bakit nangyayari ang lahat ng bagay. Kapit lang lagi sa Kanya.

Marami din ako narealize nung nangyari ito.

- kahit ano pa ang pagsubok na dumating sa atin, tumawag lang tayo sa Diyos hindi nya tayo pababayaan. malaki ang nagagawa ng dasal lalo't marami ang nagdadasal
- mabuti at napalaki ako ng mga magulang ko na maging madasalin at lagi magtitiwala kay Jesus, Mother of Perpetual Help at kay Padre Pio.
- MAHALIN at PAHALAGAHAN ANG ATING MAGULANG LALO ANG ATING INA, kase iisa lang yan at gagawin nya ang lahat para sa anak kahit gaano ka pa naging masama sa kanya. Hindi ako bad sa mommy ko. Love ko nga sya eh. Alam nya yun.
- ang pamilya natin kahit anong mangyari lagi lang nandyan para damayan tayo sa kung ano ang pinagdadaanan natin.
- basta gumawa ka lagi ng mabuti sa kapwa mo, babalik at babalik sa iyo. Kaya kung kasamaan ang binigay mo sa kapwa mo, iyon din ang babalik sa iyo. Kagaya ng hindi ko inaasahang mga tumulong sa akin at nang may nakausap ako, ang sabi nya...mabait ka kase kaya maraming tumulong sa iyo. Eh hindi ko naman talaga nakakausap iyon nung High School lagi. May nagawa pala akong maganda sa kanya. Mabait pala ako? Kasi aminado ako na maldita ako. Hehe
- nakikilala mo talaga ang mga tunay na kaibigan sa oras ng kagipitan at pagsubok
- nangyayari pala talaga sa totoong buhay ang akala ko napapanood ko lang sa telenovela.
- dati natatakot ako sa mga public hospital pero bumalik ang tiwala ko dahil sa magagaling kong doktor. Sana marami pa ang katulad nila.
- alisin o bawasan ang STRESS araw araw ( tao- OO!, bagay-OO! pangyayari- OO!, gawain-OO! Pinoy Henyo lang?! Haha)
- na ang cute ko pala pag chubby cheeks at kalbo... parang baby lang ulit ;p

Kahit anong mangyari ang pamilya ang laging unang dadamay.

Ang mga kaibigan ko simula elementary na dumamay sa akin at mga dating kasamahan sa trabaho na tumulong sa akin at sa aking pamilya. Salamat.

Ang mga kaibigan at ka -batch ko nung High School na hindi ko inaasahan na tutulong sa akin. Sobrang malaki ang naitulong nila. Mga nandito sa Pinas at sa Amerika. Ayaw na magpa banggit ng iba.Salamat ng marami sa inyo. Lalong lalo na sa bestfriend kong si Jen. Hanggang makauwi ako nagdadala ng special na tubig sa akin...Thank you!
Ang cute ko oh! Hehe. Baby :p


Siguro dito ko na tatapusin ang kwento ko ng nangyari sa akin dalawang taon na ang nakaraan... tuloy ang buhay. Salamat sa Diyos. Salamat sa lahat ng taong tumulong, nag dasal at nagpakita ng pagmamahal sa akin at sa pamilya ko. Hinding hindi ko kayo makakalimutan hanggat ako ay nabubuhay. Mahal ko kayo. ♥♥♥

Wednesday, May 27, 2015

The Story of my Life


Who am I?
Who is Made It Through Mum?
Why Made It Through Mum?  are some of the questions I know some of you are asking.

Where do I begin? Why is it easy for me to write about anything but so hard when it's about me? Perhaps because I'm afraid that I might be judged, pitied (oh no don't! pls?!) and some might feel sorry for me. But hey! I wanted and needed to do this to share my story, what I've been through and the purpose of my life to inspire and encourage other people. I hope so...

 Let me give you some of my pertinent deets :
 - I am a mother of 3
 -I am a partner
 -I am a daughter ( a very clingy daughter)
 - I am a sister
- I am a friend
- I am a villain in somebody else's life (insert laughing witch here)
 - I love to eat (like 5-7cups of rice per meal especially if it's paired with tinapa or seafood! Beat that! )
 - I love veggies and fruits the more
 - I don't have any vices at all! (so, does that make me a good girl?! Nah..hehe)

 How did I come up with MITM? 

All of us have different struggles in life and it all depends on how we face or overcome them. I'll tell you first the meaning of my logo.



 WOman
- dark shaded woman, because I am a woman with a dark past (won't elaborate on this)
 - I've been a victim of domestic violence (not anymore!)
- I used to work for my family for 10 years, but because of Yaya problems, I became a full-time mom. Which is a blessing also coz I was able to be with my kids every day from morning till night w/o worries that they might be beaten or maltreated again by their yayas.
 - After 6 months of staying at home, I was diagnosed with Meningioma (brain tumor), I've undergone craniotomy last December 11, 2013. Thank God the tumor is benign. But MRI and Levetiracetam have been my friends since then. ;)
Even before I was diagnosed with a brain tumor, I planned to donate at least 12inches of my locks to the children and women battling cancer. The last thing I told my doctor before I lost my consciousness because of the anesthesia, was to keep my hair in a clean bag because I will donate it.


Say Hello to my Battle Scar  #headband




 Colorful Heart Puzzle piece 

- I have 3 kids whom I love so dearly that I would do anything and everything for them no matter what. They will always be etched in my heart. The puzzle piece symbolizes persons with ASD (Autism Spectrum Disorder) I got 1 out of 68! Yes. My 2nd child has it. He's different but he is not less. At first, we were in denial ( me and Mr. MITD) - there's a sad and funny story behind this after we learned that our son has mild autism. Just pm me if you wanna know. But as parents, we have to accept. Acceptance is the key to move forward. For me, I'm still fortunate to be a special mom to a special kid. I was tasked by God to help and nurture this precious gift. I am not and will never ever be ashamed of him. Now, can you imagine how colorful my everyday life is? Those everyday tantrums/ meltdowns and with my present condition... Again, I thank the Lord for giving me strength and I'm praying to have more patience and a healthy body to perform my duties well to my family.

 These are the reasons why I named myself Made It Through Mum. 'Coz despite of these all, I still carry on.

 I strongly believe everything happens for a reason. Had Meningioma not happened to me, I would not have been able to inspire my friends and family to appreciate the beauty of life. At first, I thought that life is unfair, me having meningioma, having a son with ASD, from a corporate woman to a Stay-At-Home mom abruptly. I also realized that had I not been through all that I have been through in the past years, I would have never come face to face with death and had to reflect and rethink about my priorities, the purpose of my life, and life in general.

What am I doing here, blogging?!

I really don't know! Lol. Blogging is really far from my course, I finished AB Psychology at Philippine Normal University. My previous jobs were not also interconnected to blogging. From airlines to telco to writing?! I have to admit, I'm really "makuwento" in real life and I love to write. I don't know if this is really my calling, but I'll give it a try. There's no harm in trying. Actually, this is an unexpected blog. As an idle mom(which I am not used to), honestly, my current situation is threatening my sanity. I wanted to divert my attention and make the most out of my second life so I started joining various online contests. I thought of sharing my winning experiences with others who are also 'inip' and are having a feeling of self-worthlessness because of the hardships and trials life is showering upon them. To encourage them to get through all that and be more appreciative of life instead of just sitting in one corner, idle. Stop whining over the little problems. See the beauty of life and know that the world is a wonderful place to live in.

Don't be discouraged if what you are going through...Fight! Death is inevitable. Break the rules! Forgive quickly, Kiss slowly, Love truly, laugh uncontrollably, and NEVER REGRET anything that made you smile! ;)

 Here are some of the inspirational quotes that help me, hope it will help you as well. If you will read each of my posts, you will notice that there's always a quote at the end...

1 John 2:15 
15 Love not the world, neither the things that are in the world. If any man love the world, the love of the Father is not in him.

 John 9:2-3 (for the less fortunate, PWDs)
 2 And his disciples asked him, saying, Master, who did sin, this man, or his parents, that he was born blind? 3 Jesus answered, Neither hath this man sinned, nor his parents: but that the works of God should be made manifest in him.

God will not look over for your medals, degrees, or diplomas, but for scars - Elbert Hubbard 

My mission in life is not merely to survive, but to thrive; and to do so with some passion, some compassion, some humor, and some style. - Maya Angelou

 I will always be thankful to God for giving me a second life. For giving me such wonderful parents and especially my SUPERMOM, for raising me to be a fighter (a sweet fighter), to inculcate in me to have a strong faith in God.

The SUPERMOM and the clingy daughter ♥♥♥
I am also forever grateful to my sibling, my Mr. MITD, my kids, and my friends for keeping my sanity. And to my NFF(newfound friends) in social media DanicaMay, and Annie for pushing me to blog away..and for the people who chose me and will choose me in their events to write about them.

I will now stop blabbing about my life. More or less you know me. Just continue life and embrace everything about it. I hope my story somehow inspired you not to lose hope and keep going...



You Only Live Once make the most out of it!

Don't dwell on the past's regrets and mistakes... Move forward and just simply learn from them.

WE WILL ALL GET BY, JUST TRUST IN THE LORD!

                           God bless us all! ♥♥♥




Thank you for visiting my blog! I would love to hear your thoughts. Your comments are always welcome and appreciated!


Featured Post

Sunrise Trail Hike at Masungi Georeserve: An Empowering and Meaningful Birthday Celebration

Since I was a child, as soon as June approaches, I feel thrilled because it's my birth month. I don't eagerly anticipate gifts, but ...