Showing posts with label Cash Agad. Show all posts
Showing posts with label Cash Agad. Show all posts

Tuesday, March 22, 2022

Hidilyn Diaz, bumilib sa kayang gawin ng Cash Agad

 

NAPANSIN ni 2020 Olympic gold medalist Hidilyn Diaz na hindi madaling makapag-bangko sa mga probinsya dahil sa layo ng mga bahay mula sa bayan kung saan naroon ang mga bangko. 

Halimbawa na lamang ang mga beneficiary o kamag-anak ng mga overseas Filipinos na kailangan pang bumyahe ng ilang oras para lang makapunta sa pinamakalapit na ATM at i-withdraw ang mga padalang remittance. 

Kaya laking gulat ni Hidilyn nang makakita sya ng mga Cash Agad point-of-sale (POS) terminal na naka-istasyon sa iba't-ibang micro and small business establishment sa kanyang hometown sa Zamboanga.


“Friendly-neighborhood ATM”

Ang Cash Agad ay serbisyo na inilunsad ng BDO Unibank noong 2014 kung saan ang mga ATM cardholder ay maaaring makapag-withdraw ng cash gamit ang mga Cash Agad POS terminal sa pinakamalapit na partner stores sa kanilang lugar. 

"May Cash Agad sila, kaya nasabi ko noon meron palang ganyan? Kasi nga, galing ako sa iba't-ibang lugar at nakita ko na walang ATM sa mga lugar na yun. Paano na lang yung may pamilya sa abroad, paano nila (overseas Filipino) ipapadala yung pera nila (sa pamilya sa probinsya)? Kapag may Cash Agad partner store na malapit sa inyo, maiwiwithdraw mo ang perang padala sa bank account mo. Ang galing,” ani Hidilyn.

Nagkalat na ang mga Cash Agad partner stores ng BDO na may micro, small o medium-sized na negosyo sa malalayong lugar. Kabilang sa mga ito ang mga sari-sari store, botika, bakery, pawnshop, hardware store, water refilling station at iba pang karaniwang negosyo sa mga probinsya.

"Pag may Cash Agad sa lugar nyo, hindi mo na kailangang magbyahe nang malayo para lang makapag-withdraw kasi syempre sa probinsya malalayo ang lugar. Magco-commute ka pa para makapunta sa pinakamalapit na bangko sa city. Nakagastos ka na, ubos pa ang kalahating araw mo," dagdag pa ni Hidilyn.

Sa Cash Agad, ang isang cardholder ay makaka-withdraw ng hanggang PHP10,000. Ang maximum withdrawal amount kada araw ay depende sa limit ng issuing bank.

May benepisyo rin ang Cash Agad sa mga partner-agent dahil dagdag kita ito sa kanila mula sa convenience fee kada withdrawal. Bukod dito, sa bawat punta ng cardholder para mag-withdraw, malaki rin ang posibilidad na bumili pa ang customer at maging suki ng kanilang tindahan. Wala ring franchise fee para maging Cash Agad partner-agent sa kasalukuyan.

Para sa mga kabayang interesadong maging Cash Agad partner-agent para magka-extra income, magpunta lang sa Cash Agad website (www.bdo.com.ph/cash-agad-application), o tumawag sa hotline (02-8840-7575; domestic toll-free number 1-800-10-840-7575) o mag-email sa Cash Agad Sales Team email address (cashagad@bdo.com.ph).


Monday, October 19, 2020

Bouncing back with Cash Agad


Both entrepreneurs and workers in MSMEs are the hardest-hit by the economic disruption resulting from the pandemic. There are nearly 1 million MSMEs in the country and data from the Department of Trade and Industry indicated that more than 50% of this number or around 525,000 have closed their businesses. This has left millions of Filipinos unemployed.

On the macro level, the Asian Development Bank said the Philippine economy had bottomed out in May or June and that for the rest of the year, economic contraction is projected at 7.3% by end of 2020. Recovery is expected to happen by 2021 when the pandemic is hoped to be contained and the economy is expected to bounce back by 6.5%.

Cash Agad Partner Agent

Even with the prevailing economic slowdown, the country has been observing signs of gradual recovery especially in some of the MSMEs.

 
One of them is Krystal Bantic of Quirino province in the Cagayan Valley region. Krystal runs a grocery store in her town and she became a Cash Agad partner agent last year.

Cash Agad is a service provided by BDO to far-flung and unbanked communities where residents have little to no access to bank services. Many faraway places in the country do not have banks or ATMs where residents may conveniently get cash. This is due to several reasons.

It could be that communities are located in distant islands where motorized boats are the only means of transportation. Some towns and barrios are located in mountainous or hilly areas with rocky and uneven terrain. Others are separated by sheer hundreds of kilometers from urban areas and have no concrete roads nor highways. All of these factors and more prevent banks from building and maintaining physical branch offices in these faraway towns.

The Cash Agad service provides a simple, elegant, and practical solution to all that. By partnering with stores and shops already established in the community, BDO turns them into community-based ATM terminals. The shop owner receives a POS terminal for use in transacting locally-issued ATM cards, whether debit or prepaid and facilitates basic transactions like cash withdrawals and balance inquiries.

Best of all, Cash Agad accepts transactions using ATM cards from different local banks and non-bank financial institutions in the Philippines, not only those from BDO. It's really a service that benefits entire communities.

According to Krystal, she actually had few customers availing of Cash Agad in her grocery store in the year before the pandemic struck. This was because at that time, people were used to traveling all the way to Candon City in Ilocos Sur province, which is more than four hours away from Quirino, in order to go to banks and ATMs, enjoy fast food restaurants, and buy essential goods.

"People would make the trip to Candon even though it's quite far because it was a mix of both business and leisure for them. Also, goods are priced lower in Candon because over here in Quirino our shops are simply getting our goods from there as well," said Krystal.

The trip to Candon is quite far and the transport available are passenger vans. It takes more than four hours across 289 kilometers. The fare costs at least 200 pesos and even more if a person was also loading some baggage in the van for the trip. When going to Candon, residents of Quirino would have to allot an entire day and at least four hundred pesos for a two-way trip. They would spend more if they included food expenses.

From lockdown to opportunity

The pandemic caused subsequent lockdowns and quarantines which prevented people from leaving Quirino as they were used to. This meant that their usual access to cash (banks and ATMs) and goods in Candon was closed off. But fortunately, Krystal and her Cash Agad kiosk at her grocery store was available.

"Grabe po, noong nagka-lockdown dito sa amin. None of us could leave. The local government ordered all transportation to stop. No one was allowed to go out. People had nowhere else to go to get needed cash to spend for food and other basic needs. So more and more people come to my store not only to withdraw cash but also to buy essential goods," said Krystal.

 

Krystal Bantic, owner of Ivee’s Sari Sari Store and a Cash Agad partner agent in Quirino, Cagayan Valley facilitang a withdrawal transaction.


Krystal faced her own challenges as a Cash Agad partner agent. She was also covered by the travel ban so she could not easily replenish the cash reserves meant for Cash Agad withdrawals. She was able to solve this by either renting a private vehicle to go to the BDO branch in Candon to get cash or she would get the help of the local government to provide transportation to Candon. After all, Krystal had become a frontliner and essential worker since she was the only source of cash for the residents in her town.

Soon enough, practically everyone in the communities around Krystal's store became her customers. Teachers, government workers, policemen, and even farmers and construction workers all depend on her store and its Cash Agad service to get their salaries. Her store also became the official channel for the government cash assistance given to 4Ps beneficiaries. This was done with the help of the local government.

It's not just Krystal's store that benefits from Cash Agad. Other business owners in the area, from other sari-sari stores to eateries, to hardware shops, and even stalls for vegetables, fruits, meat, and fish at the wet market--all of them thanked her for being able to provide cash to the community. This is because the amount of local spending had become greater than ever. People were spending their cash on local businesses instead of those in faraway Candon City.

"Krystal's experience really shows how the Cash Agad service expands financial inclusion in far-flung, hard-to-reach areas in the country. The result is a boost to the local economy. Established businesses earn more. More businesses are set up. The engine of local economic activity is revved up and eventually, there's improved quality of life for the residents.

"If the country's economy is ever going to bounce back from the pandemic, it will take all of us--big businesses, MSMEs, and both urban and rural communities and their local governments--to help each other and do our part. There's a certain inspiration, a beautiful sort of hope when you see communities working together to rise up and recover from a crisis. BDO is doing its part in helping communities recover economically through the Cash Agad network," said Mr. Jim Nasol, Head of Agency Banking, BDO Unibank.

For more information about Cash Agad, go to www.bdo.com.ph/cash-agad or send an email to cashagad@bdo.com.ph  for inquiries. ###

Krystal Bantic, owner of Ivee’s Sari Sari Store and a Cash Agad partner agent in Quirino, Cagayan Valley facilitang a withdrawal transaction.


 

 

Saturday, October 17, 2020

Cash Agad: Ka-partner sa muling pagbangon


Naging matindi ang epekto ng pandemic sa mga pamilya at komunidad sa bansa hindi lang  dahil sa takot na naramdaman ng marami mula sa banta ng COVID-19 kundi pati na rin sa epekto nito sa kabuhayan. Maraming nagsarang negosyo at maraming nawalan ng trabaho. At yun namang mga kumikita pa rin, hindi makapag-withdraw ng cash dahil pinatigil ng mga lockdown ang pampublikong transportasyon.

Mabuti na lamang at andiyan ang mga Cash Agad partner agents, naka-antabay para matugunan ang banking needs ng bawat Pilipino sa gitna ng pandemya. Naapektuhan man sila noong nagdeklara ng community quarantine, sila naman ay nakatulong sa barangay, nakakabawi at patuloy pang bumabangon upang muling umunlad ang kanilang mga negosyo.

 


Ang network ng Cash Agad partner agents ay binubuo ng mga maliliit na negosyante sa Luzon, Visayas, at Mindanao na nagpapatakbo ng sebisyong Cash Agad sa kani-kanilang komunidad. Layunin ng sebisyong ito na bigyan ng access sa cash ang mga malalayong komunidad, lalo na ang mga liblib na lugar, mga lugar na kailangan pang umakyat ng bundok o tumawid ng dagat. 

Ang Cash Agad ay solusyon mula sa BDO Unibank na kung saan ang pinakamahahalagang serbisyo ng bangko - tulad ng withdrawal at balance inquiry - ay nakakarating sa isang liblib na lugar nang hindi na kinakailangang magpatayo pa ng isang branch o maglagay ng ATM.


Tindahan na, ATM pa

Ang may-ari ng isang tindahan (pwede ring salon, drugstore, hardware store, etc.) ay maaaring maging Cash Agad partner agent na seserbiyso sa isang komunidad. Dahil ang negosyanteng ito ay matagal nang bahagi ng komunidad, malapit ang pwesto, kilala at pinagkakatiwalaan, mas madali sa mga tao na sa kanya lumapit para kunin ang kanilang pera.

Kapag naging Cash Agad partner agent, ang may-ari ng tindahan ay bibigyan ng POS terminal na may kakayanang tumanggap ng mga transaksyon gamit ang Philippine-issued ATM card, mapa-debit o prepaid man ito. At kahit pa BDO Unibank ang nagpapatakbo sa Cash Agad, tinatanggap ng POS terminal ang mga ATM cards ng lahat ng bangko sa Pilipinas.


Cash Agad at mga LGUs

Isa pang maganda sa Cash Agad ay hindi ito nakadepende sa oras ng bangko. Habang bukas ang tindahan ng Cash Agad partner agent, pwede mag-transact dito. Yun nga lang, binago lang ang mga schedule ngayon dahil sa pandemic at community quarantine. Ang mga lokal na opisyal ang nagbibigay ng schedule kung kelan pwede mag- withdraw sa isang tindahang may Cash Agad. Ito ay para masigurado ang physical distancing at kaligtasan ng bawat partner agent at mga customers nito.

Maging ang mga LGU ay umaasa rin sa Cash Agad para maparating sa mga nangangailangan ang mga supporta ng gobyerno. Halimbawa, ang mga benepisyaryo ng 4Ps ay sa Cash Agad na nagwi-withdraw ng kanilang monthly cash assistance. Ang mga IPs o indigenous people din ay tumatanggap ng kanilang cash assistance at iniwi-withdraw dito. Lahat ng ito ay naging posible dahil sa pagtutulungan ng Cash Agad at LGU.

Maski ang mga empleyado ng munisipyo, mga pulis, at mga teacher sa isang lokalidad ay sa Cash Agad na nagpupunta para makuha ang sweldo nila. Ang mga pribadong empleyado, mga pamilya ng OFWs, lahat sila ay pwedeng sa Cash Agad na mag-withdraw.

Ito ay malaking ginhawa para sa kanilang lahat dahil noong nagkaroon ng mga lockdown at checkpoints, hindi na makaalis ang maraming tao sa kani-kanilang baranggay para magpunta sa mga dati nilang dinadayong mga bangko at ATM na malayo.

Tulong sa negosyo

Lorna Taruc, owner of Jan Pau convenience store and a Cash Agad partner agent in San Simon, Pampanga facilitang a withdrawal transaction

Ayon kay Lorna Taruc, may-ari ng Jan Pau convenience store at Cash Agad partner agent sa San Simon, Pampanga, malaking tulong sa negosyo niya at sa komunidad niya ang Cash Agad.

"Malaking convenience para sa mga tao yung dito na lang sila sa tindahan magwi-withdraw ng cash. Hindi na nila kailangan magbiyahe ng malayo. Lalo na noong lockdown ang hirap kumuha ng sasakyan. Bukod dito, dumami rin ang customer sa tindahan ko.

Roselyn Abela, owner of FBA Merchandise and a Cash Agad partner agent in Pitogo, Bohol facilitating a withdrawal transacon for a local security guard.

Ayon naman sa isa pang Cash Agad partner agent, si Roselyn Abela ng Pitogo, Bohol, maraming natakot lumabas ng lugar nila noong nagkaroon ng community quarantine dahil nabalitaan nilang may mga Covid positive doon sa bayan kung saan sila pumupunta para mag-bangko at mag-ATM.

Ang bayan na ito ay napakalayo sa Pitogo. Sasakay pa ng habal-habal tapos tatawid ng dagat gamit ang lantsa sa kabilang isla. Tapos habal-habal na naman. Aabutin ng kalahati hanggang isang araw para lang makapag-bangko o ATM. At mga limandaang piso ang gastos sa pamasahe kung balikan.

"Kaya noong nagkaroon ng quarantine, nagpasalamat ang mga tao sa lugar namin dahil may Cash Agad ako sa tindahan ko. Dito na sila nagwiwithdraw. Tapos, dito na rin sila bumibili ng mga kailangan nila pagkatapos mag-withdraw kaya nadadagdagan ang kita ko," sabi ni Roselyn. 


Financial inclusion

Ayon kay Jim Nasol, Head of Agency Banking (Cash Agad) ng BDO, ang pagkakaroon ng mga Cash Agad partner agents sa mga liblib na lugar ay matagal nang plano ng bangko. Ito ay dahil sa pagnanais nito na mapalaganap ang pag-unlad sa mga kanayunan sa buong Pilipinas.

"Maraming mga Pilipino ang masipag, matalino, mapagsumikap, at nangagarap na mapabuti ang kanilang kabuhayan. Kaya lang, napipigilan sila ng kawalan ng access sa cash at kapital. Marami ang mga Pilipinong nahihirapan pagkasyahin ang pera dahil dun pa lang sa pagkuha ng cash, mahabang oras at malaking gastos ang kailangan.

"Ang mga Cash Agad partner agents natin ang nagiging daan para mapalaganap ang financial inclusion, o yung mapalawak ang sakop ng mga serbisyong pinansyal. Nakikita natin sa mga lugar tulad ng Pitogo na malaki ang nagagawa ng financial inclusion para mabigyan ng magandang buhay ang mga Pilipino sa malalayong komunidad," paliwanag niya. 

Dagdag pa ni Arnold Katipunan, Head of Sales ng Cash Agad mula sa BDO, lalong mahalaga ang financial inclusion at access sa cash ngayong panahon ng pandemic, kung kailan maraming mga tao at negosyo ang kailangang bumangon mula sa epekto ng krisis sa kalusugan at ekonomiya.

Patuloy pa rin ang pagdami ng mga Cash Agad partner agents sa bansa. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa Cash Agad, puntahan ang BDO website http://www.bdo.com.ph/cash-agad  o kaya ay magpadala ng email sa cashagad@bdo.com.ph.    




 

 

Featured Post

Sunrise Trail Hike at Masungi Georeserve: An Empowering and Meaningful Birthday Celebration

Since I was a child, as soon as June approaches, I feel thrilled because it's my birth month. I don't eagerly anticipate gifts, but ...