Ito ang unang pagkakataon na magsusulat ako ng Tagalog sa blog ko. Bakit? Kase alam ko na marami ang tinatamad magbasa kapag Ingles ang babasahin nila. At itong isusulat ko ay tungkol naman sa akin at kung ano ba talaga ang nangyari sa akin, dalawang taon na ang nakalilipas.
November 23, 2013 - sumakit ng matindi ang ulo ko. Dinala ako ng mommy ko sa Quirino Memorial Medical Center sa ER, chineck ako ng mga doctor, pinauwe kase migraine lang daw. Niresetahan ako ng Paracetamol.
November 26-27 - hindi pa rin tumitigil ang sakit ng ulo ko at nagsusuka na ako sa sobrang sakit. Binalik ako ng mommy ko ulit sa QMMC. Wala na kase akong trabaho kaya wala na akong health card kaya sa public hospital ako dinala ng mommy ko. Lahat ng lab tests ginawa na - normal. Inobserbahan ulit ako. At sa pangalawang pagkakataon, MIGRAINE na naman. Nagsabi na ang mommy ko sa Dr-in- charge na hihingi kami ng referral slip para ipa CTScan ako, ang sagot ng doctor "Bakit po?". Ang nanay talaga, iba talaga ang pakiramdam kapag sa anak na may nangyayari. Ang katwiran ng mommy ko, normal lahat ng tests, pero masakit pa rin ang ulo ko baka sa ulo na ang problema! Pinaghintay kme ng ilang oras para sa kapirasong papel na hiningi ng mommy ko. Kase nga, ayaw pa rin siya bigyan kahit ilang beses na siya nag follow-up. Sa wakas, nabigyan din kami. Umuwi muna kami para makapag pahinga ako.
November 28 - naiwan kami ng 2 maliliit na anak ko sa bahay. Kase may pinuntahan ang mommy ko, pumasok sa trabaho si Mr. MITD at ang panganay ko nasa school. Nang umuwi si Mr. MITD, nakita nya ako nakaupo sa sahig, puno ng suka ang paligid ko, basang basa ang bahay namin kasi naglaro ng tubig ang mga bata ng hindi ko namamalayan. Ginising nya ako, tinanong kung anong nangyari at kung sumuka ako, ang sagot ko Hindi. Hindi ko na alam ang nangyayari sa paligid ko. (Ang term ng mga doctor dito ay "comatose" na ako). Ang huling natatandaan ko, binuhat ako pababa ng hagdan ng Daddy ni Mr. MITD kase hindi ko na kayang tumayo. Hanggang sa dinala nila ako sa Amang Rodriguez Memorial Medical Center sa Marikina. Wala pa rin akong malay. Nagigising ako paminsan pero parang wala lang. Ang sabi may "electrolyte imbalance" ako. Sinabi na ng mommy ko may request siyang hawak para ipa-CTScan ako, nag suggest si Dr. Lovendino na ipa MRI na ako para mas makita ang kaliit-liitang parte ng ulo ko.
November 29 - nagawa na rin ang MRI, hindi ko pa rin masyado naiintindihan ang nangyayari. Isang tanong, isang sagot (Friday na ng hapon kaya wala ng mag iinterpret)
|
Iyong pulang bilog ganyan kalaki ang tumor
8.0 x 7.0 x 3.0 cm |
December 2, Monday - lumabas ang resulta ng MRI... nagulantang ang lahat samantalang ako kalmado lang kasi nga hindi ko na alam ang nangyayari. Haha. Sinabi naman nila agad sa akin na may brain tumor ako, tinanong ko ano ang gagawin? Ooperahan daw ako. Okay, sige. Kailan? 'Yan lang ang sinabi ko.
Sinabihan kami na kung magpapa opera huwag daw sa hospital nila, hindi ko alam kung bakit? Kaya naghanap na naman ang mga mahal ko sa buhay ng paglilipatan sa akin.
IMPRESSION : Extraaxial mass, right frontal as described. Considered Meningioma?
*Meningioma - brain tumor
Iyong sinasabing migraine ng private at public hospital ay brain tumor na pala! At malaki na.
*** Mabalik ko lang May 19 ng parehong taon, sinugod din ako sa ER ng The Medical City sa Ortigas. 12 am. Yes, sa private hospital kase may card pa ako at employed pa ako. Puro lab tests, pinaabot lang kme ng 2 oras bago ako pinauwi. Pero nung kukuha pa lang ako ng urine sample, hindi na ako umabot sa CR, basang-basa na ang pantalon ko kase hindi na ako nakapag pigil (incontinence). Mabuti na lang may "convenience store" nakabili ng shorts at undies! :p Pina head xray ako, hinilo lang ako kase nakatayo ako, nakahawak lang ako sa machine na pinagtayuan sa akin. MIGRAINE. Paracetamol at vitamins ulit reseta!
*** Meron pa ulit parehong hospital, inadvise pa ako na magpa check ng mata (Glaucoma package) kase baka sa mata naman daw ang problema kaya sumasakit ang ulo ko. Normal ang result...
*** Naka -duty ako noon sa trabaho, pumasok ako sa backroom para sumuka. Pinapunta na ako ng Manager ko sa St. Lukes, sa Neurologist. Pinukpok lang tuhod ko, pinataas ang 2 braso ko tapos tinapik-tapik... MIGRAINE na naman ulit! Tsk tsk...
Mabalik tayo...
December 3 - Dinala na ako sa Jose Reyes Memorial Medical Center. Ang pangatlong hospital na pinagdalhan sa akin. Sinabihan na kami na kailangan ng 10 bags ng dugo para sa operasyon ko, kailangan mag rent ng "driller" na gagamitin sa pagbukas ng bungo?! Seryoso? Oo seryoso sila. Ayoko na alamin anong klaseng driller ang ginamit sa akin. Iyong mga araw na sumunod natatakot na pala silang lahat (pamilya at mga kaibigan ko) kase ang sabi 2 lang : mamamatay ako o mawawalan ng memory kase ga-platito na ang laki ng tumor. Mga 10 years na siguro sa ulo ko iyon kaya lumaki ng ganoon. STRESS, head trauma sama-sama na kaya ganun na kalaki.
December 4 -10 -wala akong ginagawa kung hindi matulog, kumain at magdasal. Hindi ko alam na nagkakalap na pala ang pamilya at mga kaibigan ko ng pinansyal na tulong sa lahat. Salamat. Ako na yata ang pasyente na magana kumain kasi naman ang mga bumibisita sa akin ang dami laging dalang pagkain. Syempre, shine-share ko naman sa mga ibang pasyente at bantay sa ward. Sayang at baka masira lang.
December 10 - gabi. Kailangan umuwi ni Mr. MITD para siya naman ang makasama ng mga bata sa bahay. Ang mommy ko ang naiwan sa akin magbantay. Kahit gabing gabi na ayaw pa niya umuwi kse ewan ko kung naiiyak ba sya, natatakot ba sya kase lagi lang sya nakayakap at nakahalik sa akin. At binigyan nya ako ng notebook nakasulat ang mga pangalan at birthdays ng tatlong anak namin. Kaya para hindi kami maiyak... nag unlimited selfie kami. Haha. Nakatulog naman ako paguwi nya kasi nagdasal ako at ipinaubaya ko na ang lahat sa Diyos.
December 11 - , alas otso ng umaga, nang kunin ako sa ward kase ang bata na dapat mauuna sa akin na ooperahan ay may sipon kaya pinagpaliban muna sya. Sa pagkakataong iyon, nung tinawag na ang pangalan ko. Natakot na ako. Ang ginawa ko na lang niyakap ko ang mommy ko ng mahigpit na mahigpit, doon na ako umiyak at ang nasabi ko lang "I love you, mommy"... kailangan ko ipakita na malakas ako kase ayoko ng nagaalala at nalulungkot ang mommy ko kaya sinabi ko na lang na kuhaan nya ako ng litrato hanggang sa dalhin ako sa operating room. Galing naman ng pagkakakuha nya... hehe...
Bago ako mawalan ng malay kinausap ko yung isa sa mga doktor sa operating room, binilin ko na ayusin ang pagkaka shave ng buhok ko at paki tago ng maayos. Wala na sa akin ang buhok na donate ko na rin sa
DonateYourHair.org para sa mga pasyente na may cancer.
-- nagumpisa ang operasyon ko ng 11:00 AM natapos ng 08:10 ng gabi.Tumagal ng siyam na oras ang operasyon ko. "Half-awake" ako habang inooperahan ganun daw talaga para mamonitor ako. Nung nagkamalay ako tinanong ako ilang taon na ako. Sumagot ako. 34. Edi natuwa na sila. Gusto ko pa magpa bibo para makauwi na ako agad sa mga bata kaya sinabi ko full name ko, pangalan ng 3 anak ko pati birthdays nila, pangalan ng mga naging teachers ko simula prep hanggang High school na lang kase nung College magulo eh. Iba iba. Pati sections ko nung High School sinabi ko pa. Pero hindi pa rin ako nakauwe agad. Natakot yata sila sa akin kaya hindi ako pinauwi kaagad. Mali pa yata ginawa kong pagpapa bibo. Haha
|
Iiyak na naman ang mommy ko nito pag nakita nya. Siya ang nagpu-pump ng dugo na galing sa ulo ko at sinusukat nya. Kahit gaano sya kaduwag sa dugo lahat kinaya nya para sa akin. I love you so much, mommy!!! |
Nung nagising ako bandang 11 ng gabi, pinatawag na si Mr. MITD sa recovery room. Siya na ang bantay ko kase umuwi na ang mommy ko sa bahay para samahan matulog ang mga bata. Natatandaan ko pa ang sinabi ko sa kanya pagkakita ko "Dada, good girl ako. Strong ko no?!" Hehe. Monthsary din namin nun 85th! Sa totoo lang habang sinusulat ko ito ngayon umiiyak na naman ako. Kase naalala ko pa rin kung gaano ako kabaliw pagka tapos ng operasyon ko. Ang dami ko naririnig at nakikita na hindi nila naririnig at nakikita. Takot na takot ako. Pero hanggang ngayon kaya ko ikwento at pangalanan ang mga tao sa kwento ko sa kanila noon. Tumagal pa ako ng ilang araw sa ospital kaya lalo ako hindi napakali kase gustong gusto ko na makita ang mga anak ko. Miss na miss ko na sila. Salamat sa Diyos noong December 21, nakauwe na rin kami. Ayaw ko pa maniwala na hindi pa tapos ang Pasko. Kase sabi ko hindi pa kami nakakapanood ng MMFF parade. Yearly kase namin ginagawa yun simula bata ako. hehe.
Noong nangyari sa akin ito, ang panganay na anak ko ay 12 years old lang. Siya ang nagalaga sa dalawa nyang maliliit na kapatid ng halos isang buwan. Ang isa may autism 4 yrs old ang isa 2 yrs old lang nung mga panahong iyon. Nakakatuwa na sa murang edad ay naging responsable sya at nagtiyaga sa mga kapatid nya.
Hindi ko kinukuwento ito para kaawaan nyo ako. Parang awa nyo na.HUWAG! Sinulat ko ito para isang kwentuhan na lang na maaring balik balikan. Na hindi naman ako mapapagod magkwento ng paulit ulit. At para magsilbing inspirasyon sana sa lahat. Na kahit ano pa ang mangyari sa atin, huwag na huwag tayong susuko.Lagi natin iisipin na may reason si Lord kung bakit nangyayari ang lahat ng bagay. Kapit lang lagi sa Kanya.
Marami din ako narealize nung nangyari ito.
- kahit ano pa ang pagsubok na dumating sa atin, tumawag lang tayo sa Diyos hindi nya tayo pababayaan. malaki ang nagagawa ng dasal lalo't marami ang nagdadasal
- mabuti at napalaki ako ng mga magulang ko na maging madasalin at lagi magtitiwala kay Jesus, Mother of Perpetual Help at kay Padre Pio.
- MAHALIN at PAHALAGAHAN ANG ATING MAGULANG LALO ANG ATING INA, kase iisa lang yan at gagawin nya ang lahat para sa anak kahit gaano ka pa naging masama sa kanya. Hindi ako bad sa mommy ko. Love ko nga sya eh. Alam nya yun.
- ang pamilya natin kahit anong mangyari lagi lang nandyan para damayan tayo sa kung ano ang pinagdadaanan natin.
- basta gumawa ka lagi ng mabuti sa kapwa mo, babalik at babalik sa iyo. Kaya kung kasamaan ang binigay mo sa kapwa mo, iyon din ang babalik sa iyo. Kagaya ng hindi ko inaasahang mga tumulong sa akin at nang may nakausap ako, ang sabi nya...mabait ka kase kaya maraming tumulong sa iyo. Eh hindi ko naman talaga nakakausap iyon nung High School lagi. May nagawa pala akong maganda sa kanya. Mabait pala ako? Kasi aminado ako na maldita ako. Hehe
- nakikilala mo talaga ang mga tunay na kaibigan sa oras ng kagipitan at pagsubok
- nangyayari pala talaga sa totoong buhay ang akala ko napapanood ko lang sa telenovela.
- dati natatakot ako sa mga public hospital pero bumalik ang tiwala ko dahil sa magagaling kong doktor. Sana marami pa ang katulad nila.
- alisin o bawasan ang STRESS araw araw ( tao- OO!, bagay-OO! pangyayari- OO!, gawain-OO! Pinoy Henyo lang?! Haha)
- na ang cute ko pala pag chubby cheeks at kalbo... parang baby lang ulit ;p
|
Kahit anong mangyari ang pamilya ang laging unang dadamay. |
|
Ang mga kaibigan ko simula elementary na dumamay sa akin at mga dating kasamahan sa trabaho na tumulong sa akin at sa aking pamilya. Salamat. |
|
Ang mga kaibigan at ka -batch ko nung High School na hindi ko inaasahan na tutulong sa akin. Sobrang malaki ang naitulong nila. Mga nandito sa Pinas at sa Amerika. Ayaw na magpa banggit ng iba.Salamat ng marami sa inyo. Lalong lalo na sa bestfriend kong si Jen. Hanggang makauwi ako nagdadala ng special na tubig sa akin...Thank you!
Ang cute ko oh! Hehe. Baby :p |
Siguro dito ko na tatapusin ang kwento ko ng nangyari sa akin dalawang taon na ang nakaraan... tuloy ang buhay. Salamat sa Diyos. Salamat sa lahat ng taong tumulong, nag dasal at nagpakita ng pagmamahal sa akin at sa pamilya ko. Hinding hindi ko kayo makakalimutan hanggat ako ay nabubuhay. Mahal ko kayo. ♥♥♥