Wednesday, September 27, 2017

Meet the Supermom... Evelyn P. Castro ❤


Words are not enough to express the gratitude that you deserve for all that you have done for us all these years. Nah, English walang dating... kinopya lang... lol. Ito na...


Kaya siguro ako ganito ka grateful kay Lord kase napakaswerte ko at sa iyo ako binigay ni Lord. Ikaw talaga ang the BEST Mommy! Syempre si Daddy ang BEST Daddy. You’ll always be the number one mom to me, kahit pagbali-baliktarin man ang mundo.




Sa twing umaga na gigising ako, nagpapasalamat ako sa Diyos kasi gumising pa ako at kasama ko pa kayo. Hindi ko ma-imagine ang sarili ko na wala kayo. Malungkot yun! Kaya ayaw ko isipin. 


Thank you mommy sa lahat lahat. Simula pagka bata ko ikaw na ang stage mother kapag may programs at contests sa school. Lagi ka present nanonood at umiiyak (syo pala ako nagmana sa pagka babaw ng luha). Sa mga assignments at projects tinutulungan mo ako ( hanggang grade 5 lang yata? Kse nagtiwala ka na sa akin na kaya ko. Kaya naman pinapakita ko syo lagi hanggang ngayon na kaya ko... kakayanin!) Salamat sa TIWALA na yun dahil kung ano ako ngayon (matapang, matatag, kakayanin lahat, madiskarte, etc) dahil sa yo. 




Sana makuha ko kahit katiting ng tyaga mo sa amin nung bata pa ako/kami at magawa ko sa mga "mababait" kong anak ngayon. Salamat kasi hanggang sa mga apo mo ganun ka pa rin. Mas pa nga ang 
ginagawa mo sa kanila kesa sa aming mga anak mo. #1 spoiler ka talaga!




Alamo ba na hanga ako syo ? Dapat alamo yan! Dahil sobrang mabait ka at mapagbigay. Never ka naging madamot. Kahit inaaway ka na at inaabuso maganda pa rin pinapakita mo. Kaya tuloy ako ang nagagalit eh. Kase hindi mo deserve ang tratuhin ng ganun kse isusubo mo na lang, ipamimigay mo pa. Kahit wala ng matira syo. Ganun ka ka- selfless. Sobra ka! Kse ang katwiran mo si Lord na ang bahala sa kanila at pinagdadasal mo na lang. Saksi ako sa lahat dahil simula pagka bata lagi ako nakabuntot syo. Umiiyak ako kapag gigising ng wala ka sa tabi ko. Nagkakasakit ako kapag papasyal kayo ni daddy sa probinsya ng kayo lang. kaya alam ko lahat ng nangyayari at hindi ka nagsi-sikreto sa akin hanggang ngayon.medyo delayed lang ang kwento minsan but still, sine-share mo pa rin. Kaya ako din hirap magtago ng totoo syo eh. 😊. Dahil sa iyo kaya hindi ako magaling mag sinungaling. 😂 
Queen Mother E with Princesas Y at Nailaholics



Hindi mo kami pinabayaang magkakapatid simula nun na ikaw lang ang tumayong nanay at tatay namin kasi si daddy nasa barko. Nagsakripisyo kayo na magkalayo para sa magandang kinabukasan namin. Lahat ng pagod at puyat, problema sa amin kinaya mo lahat mag isa. Di ba ang galing mo! Kaya ikaw talaga ang Super Mom. Hindi ako eh 😊



Ang masaya nating stay sa Cebu - Plantation Bay Resort and Spa..salamat sa aking friend/classmate Jen P. 

Kung ano man pinagdadaanan natin ngayon. Huwag ka mag alala mommy hanggat nandito ako hindi kita pababayaan. Ako ang bahala syo. Kahit mapuyat mapagod magkanda gulo lahat, promise ko syo basta para sayo okay lang lahat. Kalma ka lang. Lagi tayo hawak-kamay di ba? Ang sweet natin. Hehe. 


Laban lang ng laban, mommy! Ako naman tularan mo sa paglaban. 😂 laban sa lahat ng hamon ng buhay. Pasasaan ba mapapagod din ang problema na subukan tayo. Problema din ang susuko. Sabay lang sa agos kasabay nun ang pagkapit sa Diyos. Nakasulat na ang mga mangyayari kaya tiwala na lang tayo na "there's a rainbow always after the rain". Tsaka "we'll all get by... with a smile". Kaya smile lang lagi ha? 😁

Haha. Kulit talaga natin!
Dapat happy letter kse birthday mo ewan ko ba, mana talaga ako sa iyo eh. Kaya malamang naiyak ka naman ngayon. Kung binasa mo nga 'to. Hindi kse kayo nagbabasa ng blog ko eh. Baket??? haha. 

Thank you for your unconditional love, my. Ikaw lang ang lovely and sexy mommy ko ever! Kahit pumuti na lahat ng buhok mo at kumulubot na ang skin. Lahat tayo magiging ganun, okay lang yun. Maganda ka pa rin dahil sobrang mabuti kang tao sa lahat. Panlabas lang ang naiiba pero ang kagandahan ng loob mo, hindi na magbabago. Post ko sana yung naka swimsuit ka eh. Kahit 4 na kame na nangaling syo nun, sexy pa rin! Yeehaaaw! 


"Behind every great man or woman is a mother who has their back when everybody else is busy stabbing it. That mother is you. " -kinopya ko 'to pero yan ang totoo! 



Happy birthday,Mommy! Wala akong ibang pinagdadsal sa araw-araw kundi magandang kalusugan nating lahat. We love you.  Dahil birthday mo, sige na pili ka lang ng gusto mo dyan... akong bahala...bahala ako magsabi kung bagay sa iyo! 😂 

2 comments: