Thursday, May 21, 2026

Pangasinan, Naki-isa sa Walang Sawang Saya, Laro at Papremyo Hatid ng BRGY S2S at Converge

Muling naghatid ng saya, palaro, at papremyo ang Surf2Sawa by Converge sa pagdating ng BRGY S2S sa Brgy. Palaris, San Carlos City, Pangasinan noong May 9, 2026.

Ang naturang aktibidad ay kasunod ng matatagumpay na paglulunsad ng BRGY S2S sa Daet, na nagpapatibay sa lumalawak na presensya ng Surf2Sawa sa mga komunidad. Sa pamamagitan ng programang ito, muling pinatunayan ng kumpanya ang pangako nitong magbigay ng maasahan, de-kalidad at abot-kayang internet para sa bawat pamilyang Filipino. 

Binuksan ang pagdiriwang sa pamamagitan ng Zumba2Sawa, kung saan masayang naki-indak sa umaga ang mga residente. Kasunod nito, lalo pang uminit ang enerhiya sa engrandeng Parade at Recorida na nagmula sa Arenas Complex at dumaan sa Converge Business Center sa kahabaan ng G.H. Del Pilar St. Ang parada ay nag-ikot din sa Malong St. at Burgos St. bago muling bumalik sa Arenas Complex.

Nagpatuloy ang saya sa venue sa pamamagitan ng iba't ibang aktibidad at sa high-energy performance na naging signature na ng bawat BRGY S2S event na bumuhay sa diwa at nagbigay-aliw sa mga residente ng Brgy. Palaris.

Isa sa mga pinaka-inabangang bahagi ng programa ang Sugod Barangay. Sa kanilang kulitan at pakikipagkwentuhan sa mga residente, naging mas malapit at mas masaya ang karanasan ng komunidad habang binigyan-diin naman ang kahalagahan ng pagiging konektado sa araw-araw na buhay.

Bukod sa mga pasabog na pagtatanghal, naging highlight din ang mga interactive games at raffle draws kung saan namahagi ng kaabang-abang na papremyo. Itinampok din ang mga contest gaya ng MamaMove, Sing2Sawa at Mama Mong Kabugera, na nagpakitang-gilas sa talento at galing ng mga residente. Sa bawat segment ng programa, mas napayabong ang diwa ng bayanihan at pagkakaisa, na nagpapatunay sa malalim na koneksyon ng Surf2Sawa sa bawat komunidad na pinaglilingkuran nito.

Sa pamamagitan ng BRGY S2S, patuloy na inilalapit ng Surf2Sawa ang abot-kayang prepaid fiber internet sa mas maraming Filipino. Ang Surf2Sawa ay ang mura, unlimited, at walang kontratang internet service na may bilis na hanggang 50 Mbps sa halagang ₱4 kada araw bawat user (hanggang anim na device.) Available rin ang ExtraBoost add-ons na nagbibigay ng hanggang 100 Mbps na bilis para sa mas demanding na online activities tulad ng streaming, online classes, at work-from-home setups.

Ayon kay Conrado “Kap Dhing” Pascual, Vice President at Business Unit Head ng Converge, “Sa pamamagitan ng BRGY S2S, patuloy naming inilalapit ang Surf2Sawa sa mas maraming komunidad upang mabigyan ang bawat pamilyang Pilipino ng access sa mabilis, maaasahan, at abot-kayang internet. Mahalaga ang koneksyon hindi lamang para sa entertainment, kundi bilang tulay sa edukasyon, kabuhayan, at pang-araw-araw na komunikasyon.”

Samantala, binigyang-diin naman ni Orange Ramirez, Vice President at Head of Brand & Marketing ng Converge, ang layunin ng inisyatiba na gawing mas inclusive ang digital access sa bansa. “Ang BRGY S2S ay repleksyon ng commitment ng Converge na walang komunidad ang mapag-iiwanan sa digital age. Sa bawat barangay na aming pinupuntahan, mas pinapalapit namin ang de-kalidad na fixed-fiber connectivity sa mga pamilyang nangangailangan nito, habang sabay naming dinadala ang saya at engagement na tunay na para sa komunidad.”

Sa matagumpay na pagdating nito sa San Carlos, muling pinatunayan ng BRGY S2S na higit pa sa saya at papremyo ang hatid nito sa bawat komunidad. Isa itong pagdiriwang ng koneksyon at pagkakaisa, kung saan mas nailalapit ng Surf2Sawa by Converge ang mabilis, maaasahan, at abot-kayang internet sa mas maraming pamilyang Filipino para magbukas ng mas maraming oportunidad para sa araw-araw na buhay.

Para sa mas kumpletong impormasyon tungkol sa Surf2Sawa at mga susunod pang event ng BRGY S2S, bisitahin ang surf2sawa.com o i-follow ang Facebook page na www.facebook.com/Surf2Sawa .

Featured Post

Sunrise Trail Hike at Masungi Georeserve: An Empowering and Meaningful Birthday Celebration

Since I was a child, as soon as June approaches, I feel thrilled because it's my birth month. I don't eagerly anticipate gifts, but ...