Thursday, September 27, 2018

An open letter to the woman I look up to, I love you Mom!


Sa iyo pala ako nagmana 😍 pak! Awra!
Paano ba to? Happy 18th birthday Mommy!!! Haha. Lagi na lang 18. Pwede naman ulit ulitin ang message ko syo simula noon di ba? Alamko naman na hindi ka magsasawa na basahin at iiyak ka na naman. Walang iyakan mommy. Happy lang tayo ha? 


Hindi ako magsasawa na magpasalamat syo ng paulit ulit dahil sa masayang buhay na binigay nyo sa amin ni Daddy. Simula bata ako at nagkamalay nandyan ka palagi nakaalalay habang si Daddy nasa barko nagt -trabaho. Bago pa ako mag aral nun kapag aalis kayo ni Daddy magta- travel nang kayo lang dalawa lagi ako nagkakasakit kasi ayoko ng malayo sa iyo. Hindi ako sanay na hindi ka nakikita at katabi matulog. Bunso eh (noon. Until dumating ang bunsong lalake πŸ˜…)  Noong nagumpisa na ako mag aral todo suporta ka, kapag lalaban kami ng sayaw (Prep) lagi ikaw lang gusto ko mag make-up sa akin kasi takot ako mag mukhang bekle at clown sa kapal ng make up. Gusto ko yung pagme- make up mo lang sa akin sakto lang. Pink and blue sa mata, konting lipstick at blush on at gandang-ganda na ako sa sarili ko nun kasi magaling ang make up artist ko. Tsaka yung lagi mo binibili sa akin sa canteen sa NFWC, hotdog sandwich at sago't gulaman. Shorop!

Nagalit ka sa teacher ko nung Grade 1 ako sa Malate Catholic School, kse nung nagde-demo sya, ngalay na kilikili ko katataas ng kamay hindi ako tinatawag, nag walk out ka! Haha. Tsaka ako tinawag nung umalis ka. Loko ng teacher ko na yun no? Kaya nagpalipat ako ng school. Noon pa man ayoko ng may favoritism! Nung Grade 3, ang tiyaga mo ako turuan pati sa projects, naalala mo nag rerecord pa tayo sa maliit natin na cassette? Red yun. Ang galing galing mo nun,  mga ninuno yata ang topic tsaka yung may bumabagyo pa kunwari may sound effects pa tayo na matindi kaya nag Top 1 ako sa grading period na yun. Teacher yata ang mommy ko! Grade 4, sorry takot na takot ka kasi na kidnap ako na hindi ko alam na kidnap na pala ako nun. Engot lang. Dinala na sa malayo wala pa ring alam. Hindi kayo nagkulang ni Daddy sa paalala sa aming magkakapatid nun na huwag sasama sa strangers e na-tangeks ako... hihi. Sorry mommy. ✌ Thank you lagi ka naka- suporta kapag nalaban ako inter school ng kung anu-ano , kasama ka lagi. At bibo ka sa school kse GPTA officer ka ng BESCentral. Hehe. 

High School,  hindi ko makakalimutan sabi mo naiyak ka nung nag concert kami sa school "Alay kay Maria- concert for a cause " sa St. Paul, kse proud na proud ka at masaya ka na mapanood ako sa stage. Pero napatawag kayo ni Daddy nun , nung nag ala lalaki ako na umakyat ako ng bakod ( OBER DA BAKOD) kasama ng mga friends ko kse lumabas kami ng school.  Haha. Isang beses lang naman kayo napatawag nun ng Madre. πŸ˜‚

College, kasa-kasama pa kita nung nag take ako entrance exam sa PNU, pati nung interview na takot na takot ako ( I hate interviews talaga) sabi mo kalma ka lang, be confident and smile 😁, pati medical kasama kita pati enrollment nag bubulungan pa tayo, kahit di mo maintindihan ang kwento ko , nakikisakay ka lang. Kse ang kwento ko nun yung lalake sa loob ng room kung nasaan tayo crush ko nung elementary, pero from different school siya at matalino siya kse lagi nalaban sa school namin nun. LOL. Hay mommy, galing mo talaga sakyan lahat sa akin kaya lahat ng nangyayari sa akin ikaw una nakakaalam eh. Ikaw talaga ang bestfriend ko! Pero nung first year mo lang ako sinamahan kse yung mga  sumunod ako na. Ang laki ng tiwala mo sa akin eh. 😍 Thank you, ni minsan hindi kita kinupitan sa tuition kasi bago pa ako umalis ng bahay, nagsasabi na ako "keep the change ha?" Haha

Kaya lang sorry kasi a year after I graduated from College e nagka baby na ako. Sobrang sama ng loob mo nun ako din. Sobrang nagsisi ako nun kse nasaktan kita 😭 yun ang ayaw ko yung nasasaktan ka alam mo yan. Sorry. Pero natuwa ka naman paglabas ng apo mo hehe. Naka suporta ka pa rin sa amin.  Nagkanda loko loko ang relasyon ko, hinayaan mo lang ako wala akong narinig na panunumbat syo,  kasi sabi ko sayo kaya ko. Kaya kong panindigan ang mga desisyon ko sa buhay basta ikaw relax ka lang. I got this! Yun nga hinayaan mo lang ako, nakaraos din naman at nalagpasan. Pero nandyan ka pa rin lagi ko kausap, lagi ko nasusumbungan at hingahan. Sorry ulit kasi hindi ko naman ginusto magkasakit. Ang dami ko pa pangarap sa iyo, sa mga bata, sa atin. Pero unti-unti alamko nakikita mo na nagpupursige ako. Walang sakit sakit sa akin basta para sa inyo. Kakayanin ko basta para sa inyo. Maging happy and proud lang kayo. 

Thank you kasi nung na-confine ako ng halos 1 month ikaw at si MITD ang halinhinan sa pagbabantay sa akin. Bilib ako sa inyo nun. Araw-araw byahe, salitan. Salitan din ng salo ng mga kapraningan ko pero hindi nyo ako sinukuan. Inuwi mo ako sa province para lalo makapag palakas. Lumakas naman ako may alagang nanay eh. Gigising ako kakain na lang, matutulog, kakanta, kakain, matutulog, pupunta sa tabing- dagat para tumawag sa mga bata,  kakain at tutulog na ulit. Yun lang gawa ko nun sa probinsya. Ayaw mo ako paglabahin kahit underwear ko! Hehe. Thank you Mommy. You are and will always be the BESTEST MOM in the world! Syempre nanay kita eh.

Plantation Bay and Resort, Cebu, 2014

Sige ikaw na mataas tumalon, inggit ako.
Man-made forest, Bohol, 2014
Bulalohan sa Dencio's, Tagaytay, November 2017

Kaya naman ngayon, ako naman ang magbabalik syo hanggat kaya ko. Ibibigay ko ang kaya ko mapasaya ka lang. Walang oras na di ako nagdadasal (basta tahimik mga bata) ang lagi ko lang dasal sa Diyos lumakas ka mommy at lumaban pa. Alamko malakas ka, mana ka sa akin eh. At sana mabawasan ang hingal mo para kahit walking ay magawa mo. So, yun lang... mahal na mahal na mahal na mahal kita mommy! Mugto na ang mata ko. Argh! Sabi ko walang iiyak eh! Enjoy your day. See you later. Mahigpit na yakap. Hilutin kita mamaya ha? Whole body. Free lang. Smile lang ang bayad.

Mother's Day Movie, Podium, April 26,2016

Summer outing, Cavite, May 27,2016

Kikidnapin sana kita mamaya  para ipasyal kaya lang ayaw mo na lumabas ng bahay kasi napapagod ka agad. Kaya ako na lang pupunta syo. 

Century Tuna Superbods Ageless, Shangrila, Feb 7, 2018

Marriott Hotel,  March 14, 2017

SM Makati,  After natin sa Hospital diretso event, March 7, 2018

Ang ganda ganda natin sa lahat ng pictures natin. Ilan lang yan sa dami ng pictures natin together kasi mahilig tayo mag-kodakan. Kapag ilalagay ko lahat hindi na tayo makikita, ga-langgam na lang tayo.  Yan ang mga pinaka memorable nating pictures.  Nung nag travel tayo para tayong mga bata na nakawala sa hawla haha. Tawa ng tawa, kain ng kain at kodakan ng kodakan. Wala kang pagod kuhaan ako. 😘

Leyte, Cebu, Bohol, Tagaytay. Dagdagan pa sana natin kaya lang hinihingal ka na kamo kapag lalabas. 

Yung mga events na naisama kita iilan lang yan kasi lagi ayaw mo sumama nahihiya ka pinipilit lang kita kasi kapag alam ko na pwede naman magsama at alam ng PR,  pero nung nag txt tayo last time, naiyak ako kasi sabi mo mamimiss mo na ang pagsama sa akin sa mga events. Palakas ka na kasi mommy, para makasama ka sa akin. Alam mo naman na gustong-gusto ko mag bihis ng kakaiba kasi para syo. Uma-awra ako para syo. 😍 kasi minsan ikaw na magsasabi... "bagay sa yo iyan, 'ya (Rhia)" alam na alam mo ang bagay sa akin at magugustuhan ko kaya minsan ikaw na nabili ng damit ko.  Para akong manika mo gusto mo bihisan ng iba-iba. Thank you.

I love you so much mommy, to infinity and beyond!!! 😘😘😘 Be well soonest, please?! 

Load of love , (naks! kay daddy yan pahiram lang po. hihi)
Ang pinakamaganda mong anak πŸ˜‰
Ako yun! Haha. Walang magagawa mga kapatid ko, blog ko ito. πŸ˜…


One of the greatest things in life is having someone who knows all your mistakes and differences and still thinks you are absolutely amazing. 


Featured Post

Sunrise Trail Hike at Masungi Georeserve: An Empowering and Meaningful Birthday Celebration

Since I was a child, as soon as June approaches, I feel thrilled because it's my birth month. I don't eagerly anticipate gifts, but ...