Bilang isang first-time small business owner, at ngayon ay business management scholar, may ilang tips si Olympic gold medalist Hidilyn Diaz para sa gustong negosyo.
Una, araling mabuti ang negosyong papasukin. Mag research muna tungkol sa pagnenegosyo.
“Mas okay na alam natin ‘yong pinapasok nating business. Dapat pinag-aaralan muna.” kwento ni Hidilyn.
Pangalawa, humanap ng mentor sa pagnenegosyo. Sa propesyon ni Hidilyn na weightlifting, mayroon siyang coach na gumagabay. Ganon din sa pagnenegosyo.
Pangatlo, alamin ang mga oportunidad para sa negosyo. Ang additional capital ay hindi kailangan manggaling lamang sa savings o sa kamag-anak at kaibigan. Maaari ring kumuha ng pondo mula sa bangko.
Ayon kay BDO Network Bank (BDONB) senior vice president at MSME group head Karen Cua, "Ang BDONB ay bangko para sa micro-entrepreneurs. Sa tulong ng aming Kabuhayan Loan, napopondohan namin ang pangangailan ng negosyante sa kanilang business operation at expansion.”
Pio Conti |
Tulad ng ginawa ni Pio Conti ng Laguna, ginamit niya ang Kabuhayan Loan para bumili ng additional stocks ng paninda.
Yolanda Arranquez |
Para kina Yolanda Arranquez at asawang OFW, malaking tulong ang Kabuhayan Loan para madagdagan ang kita.
Malaking tulong ang BDO Network Bank Kabuhayan Loan kina Pio Conti ng Laguna at Yolanda Arranquez ng Davao para mapalago ang kanilang negosyo at matupad ang kanilang mga pangarap.
Para sa iba pang impormasyon tungkol sa Kabuhayan Loan, bumisita sa pinakamalapit na BDO Network Bank branch, o mag-inquire sa BDO Network Bank PH official Facebook page o sa BDO Network Bank website.