Congratulations, Kuya RC!
And here I am again, lost for words kasi mauuna ang iyak. Kaya ko ito... (*drinks warm water* inhale-exhaaaaaale) whew! Game.
After the mass. Si Mama, feeling matangkad π π· BFF Vincent ❤ 040318❤ |
First of all, THANK YOU. Thank you kay Lord kasi na-witness ko pa ang isa na namang milestone ng aking firstborn. Alam mo kung gaano ako ka-grateful kay God for my second life. Kahapon pa lang sa mass ng school nyo, napaiyak na ako, pinigilan ko lang kasi nahiya ako sa mga nanay na katabi ko. π Ito lang naman ang lagi kong pinagp-pray ang makita ko pa kayong magkakapatid na makatapos ng pag-aaral tapos, okay na ako siguro dun. Pwede na kasi baka kalabisan na ang extension na hiningi ko. Thank you kasi kahit hindi tayo perfect family ginagawa mo ang lahat ng makakaya mo. Apektado ka sa lahat ng bagay pero nilalabanan mo. Dedma lang ✌
SORRY. sorry kung minsan tinitiis kita na hindi tulungan sa mga ginagawa mo kasi gusto ko matuto ka na mag isa, dumiskarte sa sarili mo ng hindi umaasa sa iba kasi hindi lagi nandito si Mama di ba? Sorry kung pinaghihigpitan kita sa pag-uwi mo ng late, para sa iyo yun anak kasi iba na ang laging eksena sa labas. Nakakatakot. Hindi katulad noon. Ayoko na mapapahamak ka. Alam ko naiinis ka, akala mo lang gusto ko lang na ganun. Sorry kung nagagalit si Mama kahit sa kaliit-liitang bagay (napag-usapan na natin ito. Sana lagi mo lang tatandaan yun) sorry, kung sobrang gulo natin lately, kahit ako hindi ko na din kinakaya pero nandyan kayong 3 magkakapatid kaya kakayanin ko!
OKAY sa Olrayt. Naalala mo nung sinabi mo sa akin na "sorry, Mama kasi hindi umabot ang grades ko" para maging awardee ka. Okay na okay lang anak. Hindi sukatan ng pagkatao ang grades. Since kinder lagi mo ako ginugulat. Kasi lagi sinasabi ng mga teachers mo makulit, magulo sa room, (hindi magulo na nang-aaway ha? Kasi hindi ka ganun.) Mabait ka, hindi pala-away. Yung lakad ng lakad kasi tapos na ang pinagagawa at naiinip ka na π makulit man at magulo pero sa huli, lagi ka may honor. Galing! Pero sa totoong buhay, mas importante ang pakikisama at pakikipag kapwa tao. Kasi matalino ka na eh at madali ka matuto. Nakita ko ang sipag, disiplina at tiyaga mo sa pag-aaral. Kahit matulog ka ng late kakagawa ng GROUP projects, na halos ikaw lagi nagaabono muna at ikaw lang nagawa (yata) gigising ka ng maaga dahil ayaw na ayaw mo ma-late. Doon pa lang anak, proud na ako sa iyo. Alamko na sa ganyang ugali, may mararating ka. Focus lang. Btw, an average of 88% is not bad at all! Ako nga di ko na mataandaan ang average ko nung High School π at sa Grade 7-10 mo isa lang naging line of 7 mo, Math, nung Grade 8 ka. Alam na yan. Tanggap ko yan. Yan din ang palakol ko noong nag aaral ako. Pero nung College na ako, kasi nung HS wala ako grade na mababa sa 80. I kenat talaga eh, hirap si Mama, bes ✌π thankful for friends kaya naka pasa at naka graduate ako. π nahila din ng ibang subjects.
Malayo pa lalakbayin natin. May grades 11, 12 at College pa. Enjoy lang anak. Okay lang magkamali dahil hindi tayo perfect. Huwag map- pressure. Ang importante matuto ka at maihanda sa totoong buhay na matatag at handang humarap sa anumang hamon, drink Milo everyday ha? ππ
TANDAAN mo na nandito lang lagi si Mama hanggat hindi pa ako tinatawag ni Bro. Okay lang bf/gf gawing inspirasyon hindi yung nag away lang kayo pati mga kapatid mo at ako susungitan mo. πHuwag masyado seryoso at bata pa kayo. (Ako din unang nagka bf 17 years old na. Kasi puro gfs. π) Marami pa kayong kakainin na bigas. Nakikita nyo naman ang buhay di ba? Hindi madali. Tandaan mo din na lagi ka pa rin magsasabi at magkkwento kay Mama ha? Huwag isipin na baka magalit ako. Lagi magpapa alam kung nasaan ka. Update mo ako para hindi ako praning sa bahay, hindi magkanda ugaga sa 2 maliit mong kapatid tapos iniisip ko pa kung nasaan ka na. Nas-stress si Mama dun, bawal sa akin di ba? Lagi kang mag dadasal. Kahit anong ginagawa, iniisip at nangyayari... dasal lang Kuya.
IWASAN na ang sobrang pago-online games. Hindi maganda. Naalala mo sinamahan kita sa isang computer shop one time kasi sabi, if you can't beat them, join them daw. Gusto ko maintindihan bakit kayo hindi kumakain at iniipon ang baon para may pang laro. Nagulat ako sa mga taong naglalaro. Puro foul words paano kapag nagka pikunan?!? Atsaka nab-broadcast ang pinagdadaanan mo/ninyo kasi ang lakas mo magsalita dahil may headset ka! Akala mo mga katabi mo hindi ka naririnig. Pero ako, dinig na dinig ko pinaguusapan nyo ng friend mo. Sino nga yung may problema? Haha. Iwasan din ang mapuyat kaka Facebook at kaka chat -nakakahilo ang dami mong kausap! Kaya iwasan mo na rin gamitin telepono ko kasi ako ang walang nagagawa! Okay? May importante ako ginagawa sa phone at alam mo kung ano yun.
Kagabi habang hinihilot kita ng Vicks Vaporub sa likod, dibdib, leeg at ulo kasi nagbabadya ka na naman hikain nang hindi ko alam kung bakit kasi nag practice lang naman kayo sa school, ang laki -laki mo na nga kuya. Hindi na ikaw ang baby botchog Taz namin, kasi nangalay na ang kamay ko sa laki ng hinihilot ko. π
Kung sa iba ang posts nila at hashtags eh puro #WithHonors... ako, #ImHonored, i am honored to be your mom. I love you, son!
My absolute highest honor... being your mom. ❤ Good job, K'yaah, Pembarya! π I'M SO PROUD OF YOU!
*** This is not a sponsored post, nagpapapansin lang sa brands baka magka 1 yr supply kami ng Milo at Vicks kasi gamit na gamit dito sa amin π
*** This is not a sponsored post, nagpapapansin lang sa brands baka magka 1 yr supply kami ng Milo at Vicks kasi gamit na gamit dito sa amin π